Three Days Before The Wedding Tonight's my bridal shower. Nandito kami ngayon sa garden ng mansion ni Stephanie. Makikita dito ang mga nagkalat na mga white roses sa Bermuda grass, mga lamesa na may cream pink na table cloth, mga fairy lights na ipinulupot sa mga bulaklak na nakapatong sa mga lamesa, mga golden balloon na may hugis ng mga letra ng pangalan ko at mga pagkain na paborito ko kagaya ng burger, pizza, french fries, chips, milktea, chocolates, at iba pa. This is really simple which is totally represents the whole me. I really love this. "Cath, you need to change your dress na." Bulong sa akin ni Stephanie. Kanina pa pala siya nakatayo dito sa gilid ko. I smile at her then nod. Walang ano-ano ay tumungo na kami sa loob ng mansion niya. Dire-diretso kaming pumasok sa work

