Five Years Before the Wedding Tamad na tamad akong napainat habang humihikab. Minsang napapangiwi dahil sa sakit ng ulo na dulot ng alak na nainom ko kagabi nang walang limitasyon. Ni hindi ko nga alam kung papaano ako nakauwi sa bahay ko, eh. Sobrang sakit talaga ng ulo ko ngayon, para itong binibiyak. Hindi kasi talaga ako umiinom ng alak at ewan ko ba't napapayag ako ni Sassie na uminom kagabi! Tumagilid ako. Kinuskos ang mga mata ko bago sinuklay ang buhok ko gamit ang isang kamay. Pero nang magmulat ako ng mga mata ay natigilan ako. Teka . . . Bakit parang nag-iba ang kulay ng bed sheet ko?! Naglaba na ba ako?! Habang lasing?! Sa pagkakaalam ko kasi ay kulay pink ito at hindi kulay puti. Hindi pa naman ako nagpapalit ng bed sheet at lalong lalo namang wala akong white bed shee

