Five Years Before the Wedding Nanatiling nakasemento ang mga paa ko doon. Habang ang mga mata ko ay patuloy sa pagtutubig. "Masakit tanggapin dahil hindi ko kaya 'yung sakit. Pero naisip kong kailangan kong tanggapin dahil iyon ang dapat. Doon kasi sasaya ang babaeng mahal ko, eh. Wala akong ibang choice at iyon ang masaklap. All my life, ang choice ko ay ang mahalin ka pero ngayon, wala na talaga. Kailangan ko na lang talagang mag-move on kahit hindi naman naging tayo." "L-Lucas . . ." Mahina kong sambit. He cut me off. "Shhh, don't say anything." The painful smile is still painted on his lips. It's torturing me. "Nagpasya na akong manirahan na muna sa ibang bansa para makalimot uli. Don't say anything, baka pigilan ko pa ang sarili ko sa napili kong desisyon." Huling sambit niya at

