Five Years Before the Wedding Ramdam kong bumigat ang paghinga niya. Ramdam ko ang pagkabigla niya. Ramdam ko, ramdam na ramdam kong masasaktan siya matapos ang sunod kong sasabihin. "Gusto kong tapusin mo na ang panliligaw sa akin," Itinungo ko ang ulo ko, "I am not going to choose you." Hindi ko maatim na titigan siya sa malungkot niyang mga mata. Katahimikan. Matapos ang sinabi ko ay nabalot kami ng mapait na katahimikan. Katahimikan na unti-unti ang ginagawang pagdurog sa puso ko. Then I heard him sigh. "Alam ko naman, Cath. Hindi ako ang pipiliin mo." Nanatili lang akong tahimik dahil hindi ako makahanap ng tamang mga salita na pwedeng itugon para hindi siya masaktan. Para hindi kami masaktan pa lalo. "Suntok sa buwan 'yung ginawa ko, eh. Alam ko namang wala akong laban sa k

