Chapter 17

1260 Words
Lumipas ang isang buwang mahigit na panliligaw ni Jasper ay wala pa ring label sa kanila ni Sandra. Parang mag syota na rin naman sila dahil naging exclusively dating sila. Kasalukuyang nasa opisina si Jasper ng makatanggap siya ng tawag sa ina. ( hello Mom, what's up? ) ( Ja- Jasper, u - umuwi ka bilisan mo iho ang Da- Daddy mo Jasper ang Da-ddy mo dalian mo iho. ) nanginginig na boses ng ina niya ( Mom, calm down. what happen to Daddy Mom? ) tanong niya sa ina na natataranta na rin tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair at dinampot ang bag niya at ang kanyang car key. Patakbo siyang lumabas ng kanyang opisina saglit na nag abiso sa kanyang secretary na aalis na muna siya. ( Hello Mom, anong nangyare kay Dad? ) tanong niyang muli dahil hindi na nakasagot ang ina puro hikbi lang ang kanyang naririnig mula rito. ( Mom? mom? wag kang mag break down parating na ko. ) at ini off niya ang phone. Pagkarating ng parking lot ay agad na sumakay sasakyan at pinaharurot ng takbo ang kanyang kotse. Pag pasok niya ng gate ay natanaw na niya si Manang Luz na hinihintay ata ang pag dating niya. ng maiparada na niya ang kotse paglabas la lamang niya ay tinanong agad ang mayordoma. " Manang, anong nangyare kay Daddy? asaan si Mommy? " " Jasper, ang Daddy mo inatake sa sakit sa puso kakaalis lang din ng ambulansiya. Sundan mo na sila Jasper kailangan ka ng Mommy mo. Sige na bilisan mo. Sa malapit na ospital lang sila dadalhin ng ambulansya. " ang sabi ni Manang Luz tumango siya kay manang at muling sumakay ng kotse at pinaharurot muli hanggang sa makarating siya sa ospital kung saan dinala ang kanyang Daddy. Dumiretso siya ng Emergency room at nakita niya sa labas ng room ang Mommy niya. " Mommy! " tawag niya sa ina at ng makita siya ay tinakbo siya nito at yumakap sa kanya " Jasper ang Daddy mo bigla na lang siyang bumagsak na hawak hawak ang kanyang dibdib. Okay pa siya kanina nung nag aalmusal kami umakyat lang ako sa taas upang kumuha ng necktie niya dahil napansin kong nakalimutan niyang magsuot pagbalik ko nakahandusay na siya sa sahig. " pagkukwento ng kanyang mommy habang walang tigil ang pagtulo ng luha. " Magiging okay si Daddy, Mommy. Wag kang mag alala malakas si Dad malalagpasan ni Daddy to. " pag aalo niya sa ina pero ang totoo kahit siya ay labis na nag aalala para sa ama. Ilang minuto rin ang hinintay nilang mag ina sa labas ng emergency room bago lumabas ang doctor na sumuri sa kanyang ama. " Doc, how' s my Dad? " tanong niya rito " So far okay na naman siya the patient suffer a mild stroke. " ani ng Doctor sa kanila. " Pwede ko na bang makita ang asawa ko Doc? " tanong ng kanyang ina sa Doctor. " Dadalhin ang pasyente sa Intensive Care don niyo na lang siya puntahan maya maya misis. " ang sabi naman nito " Thank you Doc. " pag alis ng doctor saka lamang siya nakaramdam ng kaginhawaan dahil sa nalaman niyang ligtas na ang kanyang ama kailangan na lang mag pagaling nito. " Jasper, tara na sa Intensive Care, puntahan na natin ang ama mo. Thanks God at hindi malala ang nangyare sa Daddy mo makakasama pa natin siya iho. " mahumanay ng wika ng mommy niya. Samantalang sa opisina ay nagtataka si Sandra dahil magla lunch break na ay hindi pa siya nakakatanggap ng tawag o text man lang mula kay Jasper. Nasanay na kase siyang kasabay na ito palagi tuwing pananghalian. Minsan silang dalawa lang minsan kasama nila sina Megan at Valerie na kaibigan niya kung minsan naman ay kasama nila ang mga kaibigan ni Jasper pati ang boss niya. Kanina pa siya pasilip silip sa kanyang cell phone pero naiinip na siya kaya siya na ang nagkusang tawagan si Jasper. ( Sandra, sorry hindi kita natawagan. mag lunch ka na muna kasama sina Megan may emergency kaseng nangyare. ) bungad na sagot ni Jasper sa pagtawag niya. ( Ganon ba, okay sige! ano bang nangyare, care to tell me!? ) saad niyang nag aalala sa binata dahil nahihimigan niya ng kalungkutan ang boses ni Jasper. narinig niyang huminga ng malalim si Jasper kaya ramdam niyang may malaking problema ito. ( Sunduin kita mamaya, hintayin mo ko. Ihahatid kita sa inyo! ) ang tanging nasabi lang ni Jasper sa kanya. Naisip niyang baka gustong sabihin sa kanya ng personal kaya hindi na rin siya nag pumilit pa. ( Okay, hihintayin kita. bye Jasper ) saad niya ( Bye! Sandra, mamaya na lang tayo mag usap ) sabi pa ni Jasper at pinatay na ang tawag. Bigla siyang nakaramdam ng pag aalala pakiramdam niya gusto niyang makita si Jasper para i comfort ngunit ramdam niyang gusto muna siguro nitong mapag isa at kailangan niyang irespeto ang bagay na yon. Nasa Intensive Care na ang ama ni Jasper ng makarating sila dahil kanina ay pinapunta pa muna sila sa nurse station dahil kulang pa ang mga naibigay ng ina na information ng kanyang ama sa mga ito kaya pina fill up an na lang sa kanyang mama ang medical records ng kanilang pasyente. " Mabuti na lamang at mild stroke lang ang nangyare sa iyong Daddy, Jasper! hindi ko alam kung ano ang mangyayare sa akin kung mawawala sa atin ang ama mo. " litanya ng ina sa kanya habang nakahiga at natutulog pa rin ang kanyang ama. " Mom, wag ka kaseng mag isip ng ganyan hindi pa tayo iiwan ni Dad. " ang sabi niya sa ina na ngumiti na sa kanya at tumango. " Jasper, hindi na kakayanin ng Daddy mo ang pamamalakad sa kumpanya kailangan mo ng maupo bilang CEO napag usapan na namin ng Daddy mo ang bagay na yan at nakapag usap na rin naman kayo about that siguro naman ngayong ganito ang kalagayan ng Dad mo ay mapagbibigyan mo na ang matagal ng inimumungkahi sayo ng iyong ama. " pagpapa alala pa sa kanya ng ina. Napabuntong hininga siya at nag isip hindi niya sinagot ang ina dahil hindi pa siya makapag decide kung aalis na ba siya sa Dela Cerna Engineering Companies at mauupo na bilang Chief Executive Officer ng kanilang kumpanya ang Gallardo Curtis Construction Companies. Isa pang dahilan niya kaya nahihirapan siyang umalis sa DcEC ay si Sandra mawawalan na siya ng time sa dalaga at hindi na niya mababantayan ito sa mga lalaking alam niyang may pag hanga rin sa babaeng kanyang minamahal. Nahihiya naman siyang tanungin ang dalaga kung saang estado na ba sila dahil wala pa ring label ang namamagitan sa kanilang dalawa. Nangako kase siya kay Sandra na hindi niya ito mamadaliin at maghihintay siya kung kailan siya sasagutin nito. Naisip na rin niyang kausapin ang dalaga tungkol sa nalalapit na niyang pag alis sa kumpanya at balak din niyang kunin itong sekretarya upang makasama pa rin niya araw araw ito noong nakaraang araw hindi lang siya makakuha ng tiyempo dahil sa madalas ay nakakaramdam ng pagod ang dalaga kaya pagkahatid niya ay hindi na rin sila makapag usap pa ng matagal. Kung tatanungin niya ba si Sandra ay papayag kaya ito sa nais niyang maging secretary niya ito sa kanilang kumpanya? ganung alam niyang masaya at kuntento ito sa pagiging sekretarya ng kanyang kaibigan na si Marvin. Siya kaya ang piliin ni Sandra? Eh papaano kung hindi?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD