Kinabukasan ay panibagong araw na naman para kay Sandra. Nang magising siya ay nag inat pa muna siya ng kanyang katawan bago niya iminulat ang kanyang mga mata. Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng kwarto at napangiti ng masigurado niyang nasa loob nga siya ng kwarto niya sa bahay ni Brielle. Bumangon siya sa pagkakahiga ng marinig niyang may kumakaluskos sa labas na sa palagay niya ay nagmumula sa kusina dahil narinig niya ang pag kalansing ng mga kutsara o tinidor o sanse. Agad siyang nagtungo roon upang malaman kung sino na ang gising sa dalawa niyang kaibigan. " Sabi ko na nga ba eh may tao rito sa kusina! " ang sabi niya ng makita niya si Alexa na nag uumpisa ng magluto ng almusal nila. " Morning, nagising ba kita? Sorry ha nabitiwan ko kase ang tinidor kanina na ipambabati

