Chapter 20

1417 Words
Kinabukasan ay nag abot na ng resignation letter niya si Sandra sa kanyang boss na hindi na naman siya kinuwestyon pa nito at sinabi sa kanya na ngayon sila mag a urgent hiring ng bagong secretary na papalit sa kanyang pwesto. Ang boss na rin niyang si Marvin ang nagsabi na after a week ay maaari na siyang lumipat kay Jasper sa kumpanya ng mga ito na ikinaawang ng labi niya " Boss, are you sure na okay lang sa inyo na 1 week lang ang magiging render ko?" naniniguradong tanong ni Sandra. " Yes!, why? hindi ba sinabi sa iyo ng magaling mong boyfriend na mang aagaw ng secretary na ini request niya na isang linggo ka na lang din dito sa kumpanya dahil atat ng makasama ka sa opisina niya?" seryosong saad ni Marvin pero alam niyang nagbibiro lang ang boss niya dahil kilala naman na rin niya ito. Matagal na rin naman na naging boss niya si Marvin kaya na ngiti na lang siya sa itinuran nito sa kanya. " Kaya naman pala no reaction ka boss ng iabot ko sayo ang resignation letter ko, expected mo na rin pala and take note ha nakarating na rin sayo na boyfriend ko na ang pasaway ninyong kaibigan. Nice, nice, nice yan atleast alam kong proud siyang ipangalandakan na girlfriend niya ko di ba boss!?." natatawa niyang saad kay Marvin na masaya naman para sa kanila ng kaibigan nito. " Ganoon talaga pag in love Sandra may mga bagay na hindi kayang gawin o sabihin ng hindi in love. Mahal ka ng lokong yon at kami ang magpapatunay non dahil mula ng makilala ka ni Jasper nawala ang pagiging babaero non. Actually silang dalawa ni Rodjun pareho sila." pang bibisto ni Marvin sa mga kaibigan niya. " Ah boss back fighter ka ha! porke wala rito ang mga kaibigan mo sinisiraan mo na sila. bad ka boss wag kang ganun!" pagbibiro niyang muli sa kanyang boss na sinamaan siya ng tingin dahil napikon ata sa nasabi niya at agad na nag peace sign sya sa harap ni Marvin at ngumiti ng pagkatamis tamis at nag beatiful eyes pa siya. natawa si Marvin sa kanyang ginawa. " Mamimiss kita Sandra, nasanay na kong ikaw ang katu- katulong ko sa trabaho ko rito at naging very at ease ako sayo to the point na itinuring na rin kitang nakababatang kapatid hindi man halata pero masaya akong naging sekretarya kita. Maswerte sayo si Jasper dahil your one of the best woman that i know." maramdaming wika ng boss niya sa kanya na parang gusto niyang maiyak sa sinabi nito. " Boss, naman eh pinapaiyak mo na ko! walang dramahan. Pero boss thank you... Thank you, dahil napakabuti mo sa akin. Ma mi miss ko yung asaran nating dalawa. Hindi lahat ng boss ay nagkakaroon ng magandang relasyon sa mga empleyado niya lalo na sa secretary nila ng walang halong alam mo na.. pagnanasa!" ani ya ss boss na itinuring niyang kaibigan. " Mag umpisa na tayong mag trabaho." ang sabi ni Marvin. Binasa ni Sandra sa harap ng boss niya ang mga appointment ni Marvin ngayong araw na ikina okay naman nito. " Coffee boss?" tanong niya rito after niyang maibigay ang mga gagawin ni Marvin. " Okay, i want coffee with creame. thank you Sandra." ang sabi nitong busy na sa ginagawa kaya nagtungo na siya sa pantry upang ipagtimpla ng kape ang kanyang boss. Bumalik siya kay Marvin na bitbit ang kapeng ipinatimpla nito. " Your coffee boss." " Thanks, pakilapag na lang sa lamesa. After nga pala ng meeting ko with the boards Ms. Pereira hindi na ko babalik ng opisina ikaw na ang bahala rito. Kapag tumawag si Jenylyn sabihin mo busy ako." utos ng boss sa kanya. " noted boss." ang sabi niya at bumalik na ng lamesa niya. Bago pa siya tuluyang magpakatutok sa trabaho ay binisita muna niya ang kanyang messenger kung may tawag o messages na sa kanya ang nobyo. At hindi siya nanlumo dahil nakita niya ang 3 missed call ng binata at may 2 text messages na rin na binasa niya na rin pero imbes na replyan niya ang text ay minabuti niyang tawagan na lamang si Jasper ng videocall dahil nami miss niya rin ang kasintahan at gusto niyang makita ang gwapo nitong mukha. ( Hi hello! Good morning my loves, miss me?) mabilis at masayang bati niyang sabi ng sagutin na ni Jasper ang tawag niya. ( Miss you so much love.. busy ka kanina?) tanong ni jasper na malawak ang pagkakangiti dahil sa ginawa niyang pagbati rito. ( Oo kanina, ibinigay ko na kay boss ang resignation letter ko. bakit nga pala ni request mong 1 week lang ang pag re render ko sabi ko 2 weeks di ba kung tutuusin nga dapat 1 month yon. nakakahiya tuloy kay boss.) paninita niya sa nobyo na ikinatawa nito sa kanya. ( Love, my friends understand what i did. So don't worry okay! ayaw mo ba non makakasama mo agad ako sa work!?) natatawa pa ring saad sa kanya ng binata. ( Syempre gusto ko. Ngayon pa nga lang miss na kita. mamaya sigurado hindi kita makakasabay mag lunch kaya dapat ngayon pa lang sanayin ko na sarili kong hindi kita nakikita dito.) nag sad face pa siyang kunware. pero hindi sumagot si Jasper bagkus ay nag buntong hininga ang binata. ( How are you? nasa opisina ka na?) tanong na niya sa seryosong tinig. ( Medyo pressured pa rin. Later may meeting ang mga board members ng company.) aning sagot ni Jasper. ( Ah okay! kinakabahan ka ba? kaya mo yan love ikaw pa ba! goodluck sayo love wag mong isipin ang iba na gusto kang i down ha isipin mo ikaw ang CEO mas mataas ka sa kanila.) pagpapalakas niya ng loob sa nobyo. ( Thanks, love you love.. see you later. bye!) paalam na ni Jasper. ( See you later.love you. bye!) nakangiting ani niya sa nobyo bago niya pinatay ang videocall. Pareho silang naging busy ng buong araw ni Jasper pero kapag may nakukuha namang time ang nobyo ay nag cha chat ito sa kanya para kumustahin at balitaan. Hanggang sa sumapit ang oras ng uwian ay naka recieve siya muli ng chat mula kay Jasper. ( Love, sorry still busy here in the office. Sad to say this love, hindi kita masusundo ngayon.) kakabasa pa lamang ni Sandra sa chat ng nobyo ay may panibagong chat na naman sa kanya ito. ( Hope you'll understand love, bawi ako sayo promise kapag lumuwag na ang schedule ko.) natuwa siya sa chat ng nobyo sa kanya. ( It's okay love naiintindihan ko. i priority mo na muna yan. i know it takes a lot of time wag kang magmadali its normal na mangangapa ka pa sa kumpanya nyo.) reply nya. (Thank you. love you..) last chat na. Hindi na nga nasundo ni Jasper si Sandra kaya nagtaka sina Brielle at Alexa ng hindi nila nakita na inihatid siya ng binata. " Bakit malungkot ka ata? siguro kase hindi ka hinatid ng manliligaw mo noh!?" wika agad ni Alexa ng makita ang pagpasok niya ng bahay. Inirapan naman niya ito at nginitian din naman. " Correction boyfriend ko, hindi ko na siya manliligaw kahapon pa!" seryosoat pakunware niyang saad. " Talaga!? sinagot mo na ang kaibigan ng boss mo? wow congrats Sandra naka realize ka na rin sa pagpapakipot na ginawa mo. hehehe..!!." ang sabi naman ni Brielle. " Oo nga, kagabi ko pa sana sasabihin sa inyo kaso tulog naman na kayo ni Alexa ng dumating ako. Kanina naman nagmamadali kayong pumasok kaya hindi ko na rin nasabi." natutuwa niyang sabi sa dalawa. "Eh di happy ka na niyan talaga!? at sa wakas naging official na rin kayo. Long due na nga kung tutuusin eh! nagpakipot ka pa kase. But we are happy for you Sandra kase alam namin na mahal ka naman niya, matiyaga kaya siyang nanligaw sayo!" ang sabi ni Alexa. Samantalang si Jasper naman ay abala pa rin. kahit na gabi na ay nasa loob pa rin ng kanyang opisina. First day niya sa kumpanya kaya marami siyang dapat na repasuhin at pag aralan sa mga documents na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. Masakit na ang batok niya sa kakayuko kaya saglit siyang tumigil at ipinahinga ang sarili habang nakapikit. Naalala niya ang nobya at naisipan niyang tawagan si Sandra ngunit hindi na nito nasagot ang tawag niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD