Lumipas ang isang linggo magmula ng mangyari ang pagtatangkang patayin si Jasper na sa tulong ng kaibigang si Arnel ay hindi naisakatuparan na mangyare ang pagpatay kay Jasper. Mabilis naman ang pag galing ni Arnel sa ospital na sa loob lang ng tatlong araw ay pinalabas na rin sa ospital dahil sa likod lang naman ng balikat tumama ang bala ng baril. Nakapag resign na rin si Sandra bilang secretary ni Lester Endelion na maluwag naman sa loob na tinanggap ang resignation letter ng dalaga. Nanghihinayang man sa kanya ang bago niyang boss ay hinayaan na rin siya sa kanyang naging desisyon lalo na ng malaman nito na siya pala ang girlfriend ni Jasper Curtis na CEO ng GC construction companies ng magtanong ito kung ano ang rason niya kung bakit siya biglang magre resign sa trabaho dahil sa kab

