Magkasalong kumakain sina Sandra at Jasper na parehong tahimik lamang na kumakain at pareho ring nagpapakiramdaman sa isat isa dahil wala naman gustong mag open ng usapan sa kanila dahil ang isa ay nahihiya na magtanong at ang isa naman ay natatakot na baka may masabi na hindi magustuhan ng isa at maging dahilan na naman ng hindi nila pagkakaunawaan. Hanggang sa nagsabay sila ng dampot sa service spoon ng inilutong sweet sour fish ni Jasper. Nagkahawak ang kamay nila ng hindi sinasadya dahil nauna ang kamay nila Jasoer sa paghawak sa kutsara ay nasa ibabaw ng kamay niya ang kay Sandra. " Sige, ikaw na muna ang maunang kumuha ng ulam. " ang sabi ni Jasper. " Ikaw na ang mauna ikaw naman ang unang nakahawak ng spoon. " wika naman ni Sandra. Kumuha si Jasper ng ulam at inilagay sa platong

