Magkasabay na lumabas ng Gallardo Curtis Construction Companies sina Nicole at Ronaldo Mendiola na kanina lamang ay tinanggalan na ng posisyon ni Jasper sa kumpanya. Galit na galit kay Jasper ang matandang lalaki dahil sa tinagal na niyang Chief Operation Officer ng kumpanya ay ang baguhang CEO pa lang ang magpapabagsak sa kanyang matagal ng pinaplano. " Ano ng gagawin natin ngayon Ronaldo? Pinagbantaan tayo kanina ng bwiset na Jasper na yon, baka totohanin niya ang sinabi niya sa atin kanina!? Ayokong madamay sina mommy sa gulo ko! " kinakabahang wika ni Nicole sa kaharap. " Manahimik ka na muna Nicole nag iisip ako. Pwede ba maupo ka nga! Hindi naman makakatulong sa atin yang ginagawa mong paglakad lakad. " saad naman na wika ni Ronaldo sa babae na hindi mapakali sa kinatatayuan nito.

