AVYANNA'S POINT OF VIEW
"Congratulation, Senior Clake, ang galing mo talaga," bati ko kay Senior Clake pagkatapos napabuntong hininga ako. "Sayang hindi tayo ang maglalaban bukas sa finals."
Sayang at hindi ako nakapasok sa finals, isa na lang eh nakapasok na sana ako pero wala siguro hindi talaga ako tinadhana na manalo.
Pinat naman niya ang ulo ko. "'Wag kang malungkot diyan, you did a great job, nakapasok ka pa rin ng top 3, sa dami ng mga kalaban natin."
"Yeah, pero nakakapanghinayang pa rin, kung natama ko lang ang isang ingredients," sabi ko.
Kailangan kasi naming gayahin ang luto ng mga Chef, ang huhulaan ko ay ang kay Chef Mark pero ang challenge ay huhulaan namin kung ano ang ginamit niya base lang sa pagtikim. Hindi kasi familiar sa akin ang isang sangkap, doon ako nahirapan kanina habang namimili ako, nauubusan na ako ng oras kaya hinulaan ko na lang pero mali ako.
"'Wag kang manghinayang, medyo mahirap talaga ang kay Chef Mark kaya talagang mahihirapan kang hulaan ang isang ingredients but at least you do your best," sabi niya.
"Salamat," sabi ko.
"First contest mo pa naman ito diba? May next time pa naman, may times talaga na hindi ka se-swertihin, ganyan ako noon, ilang beses akong natatalo pero hindi ako nawalan ng pag asa mas pinag improve ko ang skills ko, kaya ikaw din," sabi niya.
Nginitian ko naman siya. "Oo, mas i-i-improve ko ang sarili ko."
"That's the spirit," sabi niya.
"Godluck bukas ha? Sana ikaw ang manalo," sabi ko.
"Yeah, gagalingan ko para sa 'yo," sabi niya.
"Sige, alis na ako," sabi ko saka lumabas na ng room. "I'm sorry, hindi ako nakaabot ng finals," sabi ko sa mga magulang at kaibigan ko.
"It's okay, anak," nakangiting sabi niya. "Proud pa rin kami sa 'yo."
"Oo nga anak, at least naka abot ka hanggang dito," sabi ni Papa.
Napatingin naman ako kay Prof ng lumapit siya sa amin. "Congrats iha."
"Salamat po at sorry po kung hindi ako umabot ng finals," sabi ko.
Tinap naman niya ang kaliwang balikat ko. "Ano ka ba ayos lang iha, malaking bagay na sa akin na umabot ka ng top 3. Pinatunayan mo talaga sa amin na hindi kami nagkamaling isali ka sa contest."
"Salamat po," sabi ko.
"Sige kita na lang tayo sa school," paalam niya saka umalis siya.
Humarap ulit ako kina Mama kakausapin ko sana sila ng makita ko si Zoltan na kumakaway.
"Pwede ko po bang kausapin si Zoltan ng kaming dalawa lang?" tanong ko sa kanila.
"Oo naman anak," sabi ni Mama.
Naglakad ako papunta kay Zoltan pagkatapos niyaya ko siyang pumunta sa walang tao at ng masiguro kong walang tao yumakap ako sa kanya saka bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan, ayokong kasing umiyak sa harap nina Mama.
Hinimas himas naman ni Zoltan ang likod ko. "Shhh, it's okay," pagpapatahan niya sa akin.
"Isa na lang makakapasok na sana ako sa finals," humihikbing sabi ko sa kanya. "I'm sorry hindi ako nakapasok."
"No, it's okay, proud pa rin ako sa 'yo kahit hindi ka nakapasok sa finals, nakaya mo namang pumasok ng top 3," sabi niya.
"Kung 'di ko lang nakalimutan na mag tikim ng iba't ibang ingredients edi sana nahulaan ko ang huling ingredients," sabi ko, mas nag focus kasi ako sa pagluluto at sa knife skills. "Kalanan ko kung bakit ako natalo."
Kinalas naman ako ni Zoltan sa yakap tapos tinignan niya ako sa mata. "Look, don't blame yourself, ginagawa mo naman lahat para manalo ka, hindi mo kasalanan kung natalo ka. Your just first year at senior ang mga kalaban mo kaya mas lamang sila sa 'yo pero kung mas malawak na ang kaalalam mo paniguadong mananalo ka sa mga susunod na sasalihan mong contest. So, don't blame yourself okay?" Tumango naman ako. "Good." Pinunasan niya ang luha ko gamit ang thumb niya. "Don't cry again, okay. I don't want to see you crying, kung makikita kitang umiiyak hindi sa lungkot kundi sa saya. Understand?"
"Oo," sagot ko.
PAPASOK na ulit ako sa school kaya maaga akong nagising. Paglabas ko ng bahay, nagulat ako ng makita ko si Zoltan sa labas nakasandal ito sa kotse niya, iba ito sa usual niyang ginagamit. Agad naman akong lumapit sa kanya.
"Bakit hindi ka nagsabing pupunta ka?" tanong ko sa kanya.
"Napadaan na rin naman ako dito kaya dinaanan na kita para maihatid kita bago ako bumalik sa company ko," sabi niya habang iniipit niya sa tenga ko ang buhok kong humarang sa mukha ko.
"Kanina ka pa ba?" tanong ko.
"Hindi naman," sagot niya.
"Next time i-text mo naman ako kung dadaan ka dito para naman bilisan ko ang galaw ko," sabi ko. "Kaya nga hindi ako nagsabi dahil ayokong magmadali ka, hindi naman ako nagmamadali kaya ayos lang na maghintay ako," sabi niya.
"Kahit na nakakahiya naman kung mag hihintay ka," sabi ko.
"Ang tagal na nating nagkikita nahihiya ka pa rin sa akin?" tanong niya at nahihimigan ko ang pagtatampo sa boses niya. Nakaramdam naman ako ng guilt. "Look, princess I know hindi pa talaga tayo ganun magkakilala pero sana hindi ka na mahiya sa akin, kung naghintay man ako ng matagal hindi mo kasalanan iyon okay?" Tumango naman ako. "Good. Come on baka ma late ka pa." Binuksan niya ang pinto ng passenger seat agad naman akong pumasok.