AVYANNA'S POINT OF VIEW "Good morning Mama," bati ko sa kanya paglabas ko ng kwarto ko. "Good morning din anak," maupo ka na diyan at malapit ng matapos ang niluluto ko. "Okay po," sabi ko at naupo sa pwesto ko. Ilang minuto ang lumipas natapos ng magluto si Mama, tumayo ulit ako para tulungan siya na kunin ang ibang mga niluto niya. "Anong oras dadating si Zoltan?" tanong ni Mama habang kumakain kami. "An hour," sagot ko sa kanya. Umuwi ako sa bahay namin dahil ngayon namin napagplanuhan na bumili ng lupa para sa pagtatayuan ng bahay namin. Matagal ko rin kasing kinumbinsi si Mama na bumili ng lupa, ayaw kasi ni Mama na iwan itong bahay na ito dahil ito ang kauna-unahang nainvest nila ni Papa nung nag uumpisa pa lang sila bilang mag asawa pero maliit ang lupang kinakatayuan ng bah

