Kabanata 2

3679 Words
I’ve always been an achiever. I knew I have to. I graduated with honors in elementary, high school, and college. Nagiipon ako ng medals, certificates, at trophies. At siguro kung hindi lang ako nangibang-bansa noon ay mas maaga kong natapos ang master’s degree ko. Hindi lang din ako magaling sa research. I can solve mathematical equations, swim, sing, act, play musical instruments. Kapag may sinabi ang mga magulang ko sa akin, awtomatikong nagagawa at natututunan ko dahil kailangan. I’m not trying to exaggerate nor boast about the things that I can do. As a Savage, it’s a given that I should always strive for perfection. Gaya ni Kuya, balewala ang lahat ng kaya kong gawin, kung magiging palpak ako sa isang bagay. At kahit si Kuya lang ang madalas na nakaka-appreciate sa mga achievements ko, kuntento na ako. Sa lahat ng kaya kong gawin, sa totoo lang pinakamasaya ako sa pag-aaral ko. Alam ko kasing ito ang pwede kong panghawakan sa future. Na kapag nag-aral ako ng mabuti, posibleng magbago ang kapalaran ko. Cliche man, I think education is very important. Ito rin ang dahilan kung bakit gusto kong magturo. Gusto kong ibahagi sa iba lahat ng alam ko. Kaya nga sobrang nakakadismaya. Matalino ako e, kaya hindi ko maintindihan kung bakit pagdating kay Migz, palagi akong nagmumukhang tanga. “Nice catch!” sigaw ko sabay atras at bitaw sa pang-upo ni Migz. I heard myself laughing awkwardly as a cover up. Kung bakit ba naman kasi sa pwet pa niya napiling mamasyal ng mga kamay ko! Seriously?! Anong nice catch, Bobbie? “May nakakatawa ba?” malamig niyang tanong. Pagtingin ko sa paligid ay pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya tinakpan ko ang mukha ko. Sobrang nakakahiya! Alam kong hindi ko naman sinasadya pero ang sarap lang mabura sa mundo ngayon. Ganito siguro ‘yung madalas na pakiramdam ni Reign. Sa aming magkakaibigan, siya naman kasi ang pinaka-impulsive. Napalunok ako nang dahan-dahang lumingon si Migz sa akin. Ang dilim ng awra niya. Ramdam kong halos guhit na lang ang mga mata ko dahil sa pagpipilit kong ngumiti para lang maitago ang kaba ko. Sinubukan kong tumayo bago pa siya tuluyang magalit sa akin pero nahirapan ako dahil hindi tama ang naging pagbagsak ko kanina. Tuloy muntikan na naman akong tumumba ulit. Buti na lang mabilis akong nahawakan ni Migz sa braso. “Ano bang ginagawa mo?” inis na tanong nito. Nagtagpo ang mga mata namin. Sandali akong natahimik dahil sa kaba. Pero imbes na ipakita ang lungkot sa mga mata ko ay mas lalo lang akong ngumiti. Dahil dito, nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Siya ang unang nag-iwas ng tingin. Buti na lang at tinulungan pa rin niya akong tumayo. Hinawakan na niya ako sa magkabilang braso at inalalayan. Nang magkaharap kami ay dito lang ako nakahinga nang maluwag. Binasa ko ang labi ko. Bubuksan ko pa lang sana ‘yung bibig ko para magpasalamat at humingi ng sorry nang talikuran na niya agad ako. Tumirik na naman tuloy ang mga mata ko. “Para kang si PJ,” I muttered to myself out of frustration. Hindi naman kasi siya dating ganito. ‘Yung Migz na kilala ko, super kind, sweet, at caring. Never ko ito nakitang nagalit o nagsungit. At akala ko hindi narinig ni Migz pero bahagya niyang hinilig pakanan ang ulo niya at nagsalita. “‘Wag mo kong ikumpara sa gagong ‘yon.” Sa lalim ng boses niya’y kinilabutan ako at agad napalunok. May diin ang bawat pagbitiw niya ng salita. Hindi ko alam kung bakit kilala niya si PJ e noong college ko lang naman ito nakilala. High school pa kami ni Migz noong mawalan kami ng contact sa isa’t isa. “Kilala mo si PJ?!” masayang tanong ko pero mas lalo pa yata siyang nainis. Naglakad na naman siya at this time mas mabilis ang bawat hakbang niya. Sinubukan kong humabol at sumabay sa kanya pero masakit talaga ang mga binti ko kaya huminto rin ako. Natawa na lang ako sa sarili ko nang maalala ko si PJ. Oo, I’ve met PJ during our college days. Naging crush ko siya talaga noon dahil sobrang misteryoso. Pero dahil mas matanda siya sa sa akin, mas maaga siyang naka-graduate. Ang alam ko rin may girlfriend siya dahil madalas ko siyang marinig noon na may tinatawag na “babe” over the phone. Ilang taon din bago ulit kami nagkita. Nang ikasal si Reign kay Kuya, dito ko nalaman na kuya pala nito si PJ. At dito ko rin nalamang si Reign pala ‘yung tinatawag na “babe” ni PJ. Kaya nagkaroon ako ng pag-asa. Sinimulan ko pa nga siyang biruin noon gamit ang endearment nila, tinatawag ko rin siyang babe kahit nabu-bwisit siya lagi. Mabait naman si PJ. But he’s the real definition of a bad boy. Kaya noong akala ko may chance nang magkaroon ako ng boyfriend sa katauhan niya, na-realize kong wala talaga akong swerte kapag bad boys na ang pinaguusapan. Matigas din kasi ang ulo ko, hindi ako nakinig kay Reign noon kaya ayun at sugatan na naman ang puso ko. Si PJ ang huling lalaking nagustuhan ko ng sobra. Take note, iniyakan ko pa siya. Now, I still wonder why good girls always fall for bad boys. Iyon kasi ang paulit-ulit na nangyayari sa akin. Siguro sa lahat ng naging boyfriend ko, si Migz lang ang matuturing na good boy. Siya lang ang naiiba. Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakalayo na si Migz mula sa pwesto ko. Nagtataka pa rin ako kung bakit kilala niya si PJ. Nagkita na ba sila noon? Noon. Dati. Ngayon ko napansing wala pa rin palang naglalakas-loob sa amin na pagusapan ang nakaraan. It felt like Migz and I became strangers again. Kahit sinong makakita sa amin ngayon iisiping hindi kami magkakilala. Kung sabagay, ako rin mismo umiiwas dito. “Hindi ko na maramdaman ‘yung legs ko!” sigaw ko kay Migz para magpaawa sa kanya. Pero parang wala siyang narinig. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad na para bang hindi niya talaga ako kasama. Hindi ko alam pero imbes na mainis o maiyak, natawa na lang ako sa sarili ko habang pinapanuod ko siyang lumayo sa akin. At siguro wala pang ilang minuto ay naglaho ang saya sa labi ko. Parang nahulog bigla ang maskarang suot-suot ko. Nanlamig ang buong katawan ko sa hindi malamang dahilan. Kaya naman yumukyok ako sa gitna ng mall at huminga nang tatlong beses. Maraming naglalakad sa paligid ko pero pakiramdam ko mag-isa pa rin ako. Hindi ako naiiyak. I don’t even think that I’m sad. I just feel empty. At ang sabi sa akin, kapag nagkakaganito ako ay dapat huminto ako sandali. Dapat huminga muna ako ng tatlong beses. Habang pinapakalma ko ang sarili ko, ilang sandali lang, may kamay na pumatong sa balikat ko kaya nabuhayan ako ng loob. “Sabi na ‘di mo ‘ko matitiis-” Pag-angat ko ng ulo, muntikan ko nang matawag si Migz. Natigilan nga lang ako nang makitang batang babae ito na siguro’y nasa seven o eight years old. Ang ganda nito, parang manika! Kulay brown ang mga mata at ang haba ng pilikmata. Natural na kulot ang buhok na bumagay lang sa maputi at makinis niyang kutis. Kahit sinong makakita rito, awtomatikong maiisip na anak mayaman ito. “Are you crying, princess?” tanong nito sa akin sabay hawak sa ipit kong crown ang design. Napangiti naman ako at mabilis na inalis ang ipit sa buhok ko. “No, I’m not. A princess shouldn’t cry,” sabi ko sabay suot sa kanya ng ipit ko. Nakita ko namang nagliwanag ang mukha niya dahil sa regalong natanggap kaya unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. “Now, you’re a princess!” Sometimes, the best comfort can be found in the eyes of a stranger. “What’s your name?” “I’m Abigail, ikaw princess?” “Just call me Ate Bie. Sinong kasama mo rito sa mall?” “Si Mommy at Daddy po.” “E nasaan sila?” “Hindi ko po sila makita e.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. ‘Yung sagot niya sa akin parang hindi sagot ng nawawalang bata. Walang bahid ng takot sa mukha niya at parang mas kalmado pa sa akin. Nahiya naman ako dahil mukhang mas matapang pa ang batang ‘to. Kaya kahit masakit ang mga binti ko, tumayo ako at hinawakan ang maliit niyang kamay. “Let’s go, hanapin natin sila.” Nagsimula na kaming maglakad ni Abigail nang pagtingin ko sa harapan ko, ‘di kalayuan ay makikitang nakatayo si Migz at parang kanina pa naghihintay sa amin. Seryoso lang ang tingin niya pero nagawa ko pang kumaway sa kanya. “Intayin mo kami!” Binasa ko ang labi ko bago isinama si Abigail papunta kay Migz. Paghinto ko sa harapan niya ay tyaka ako nagsalita. “Lumapit sa akin e, hindi niya mahanap ‘yung mga kasama niya. Tutulungan ko lang-” “Alam ko.” Hindi ko alam kung ano ang alam niya pero bakas sa mukha niya na hindi siya interesado makinig sa akin. Panay din kasi ang tingin niya sa kanyang relo na parang may importante pa siyang dapat gawin. “Boyfriend mo po, Ate Bie?” tanong agad ni Abigail. Itong si Migz tuloy kumunot ang noo. “Future daddy ng baby ko,” pabulong kong sagot pero sapat na para marinig ni Migz. Kumunot naman ang noo nito pero ‘di ko pinansin. Kumindat pa ako kay Abigail at dito siya napahagikgik. “Ayaw mo kamo maging legal advisor ko e,” pangaasar ko pa kay Migz kaya hinilot na lang niya ang kanyang sentido. Tawang-tawa ako. Mas sumibangot siya  pero hindi ko inasahan nang may bigla siyang ibinato sa akin. Mabuti na lang nasapo ko ito bago pa tumama sa mukha ko. “Ano ‘to?” “Buksan mo para makita mo. Puro ka tanong.” Hindi ko na pinansin pa ‘yung nakakabwisit niyang sagot sa akin at binuksan ‘yung box na hawak ko. Akala ko ano na ang laman nito pero flat shoes pala na nude color din gaya ng suot ko. Nagpabalik-balik ang tingin ko rito at kay Migz na nakatingin ngayon sa malayo. “Susuot-suot ka kasi ng heels, hindi mo naman pala kayang dalhin.” Kahit nakakainis pa rin kung paano siya masalita sa akin, natuwa ako dahil inalala niya ako. After all, it’s still the thought that counts. Hindi ko na naman tuloy napigilang ngumiti. Sumakto pa ito sa pagbubukas ng mga Christmas lights sa mall. Mas lalo kong naramdaman na ber month na. Kaya pala kanina’y nakakita pa kami ng salesman na naka-Santa Claus costume. “Thank you!” sabi ko sa kanya at mabilis na nagtanggal ng heels. Muntikan pa akong matumba kaya buti na lang napahawak ako sa braso ni Migz. “Wow, may biceps ka na rin ah!” I pouted and slowly nodded. “What’s biceps, Ate Bie?” inosenteng tanong ni Abigail. Masyado akong natuwa, nakalimutan kong may katabi pala akong bata. “Requirement ‘yun pag gagawa na kami ng baby,” bulong ko na naman pero narinig pa rin ni Migz kaya hinila niya agad ako papalayo kay Abigail. “Ano bang tinuturo mo sa bata?” sabi ni Migz na nagpatawa lalo sa akin. “Sorry, hubby ko!” Napapikit si Migz na para bang ang laki kong sakit ng ulo. Magsasalita pa sana siya nang sumigaw si Abigail. “Gusto ko rin gumawa ng baby! Para may kalaro na ako sa bahay!”   Tiningnan ako ni Migz nang masama at nagkibit-balikat lang ako. Pinigilan ko ang malakas na pagtawa pero hindi ko nagawa. Kung hindi pa tinakpan ni Migz ang bibig ko ay hindi ako titigil sa paghalakhak. “Gusto ko ng kalaro!” pag-ulit ni Abigail kaya binitawan na ako ni Migz. “Anong pangalan mo?” seryosong tanong ni Migz kay Abigail at sinabi naman nito ang pangalan niya. “Hindi ka pa pwede gumawa ng baby.” A moment of silence for everyone. Tinakpan ko ang bibig ko habang pinapanuod ang masinsinang paguusap ng dalawa. Hindi ko nga lang alam kung natatakot ba si Abigail kay Migz pero parang maiiyak ito ano mang oras. “Pero gusto ko ng baby! Bakit kayo pwede gumawa ng baby?! Bakit ako ‘di pwede?! Sali ako!” Napatingin ako sa mga taong dumadaan at agad na sinabing mali sila ng iniisip. Natatawa rin kasi ‘yung ilang nakarinig kay Abigail. Itong bata na ‘to, pinapahamak kaming dalawa. “Hindi mo pa dapat iniisip ang mga ganyang bagay,” mahinahong paalala ni Migz. Sana all kinakausap niya ng ganito kabait at kalambing. Pero itong si Abigail, nakita kong namumuo na ang luha sa mga mata niya. Si Migz tuloy  mukhang nagsimula nang mataranta. Hindi niya malaman ang gagawin kaya umeksena na agad ako bago pa niya ito mapahagulgol. “Sabi ko hindi umiiyak ang princess ‘di ba?” paalala ko kay Abigail at napahawak agad siya sa ipit niya tyaka tumango sa akin habang sumisinghot. “Okay, sige. Hanapin na natin Mommy at Daddy mo.” Pagtingin ko kay Migz, nakita kong pinapanuod na lang niya kami ni Abigail. Nang magtagpo ulit ang mga mata namin ay kumindat ako. Tuloy ay siya na naman ang nag-iba ng tingin. Wala na siyang sinabi noong maglakad kami kasama si Abigail. Tahimik lang siya pero binilhan pa niya kami ng ice cream kaya mas natuwa ‘yung bata. Natuwa naman ako dahil para kaming isang buong pamilya. “Thanks, hubby ko!” sabi ko pa kay Migz nang ilang ulit. “Tumigil ka na,” He warned me pero ngumuso lang ako. “Pumayag ka nang maging legal advisor ko. Kahit ano gagawin ko,” sobrang hinang pakiusap ko kay Migz. Pagtingin niya sa akin ay tinaas-baba ko pa ang kilay ko. “Or gusto mo, tulungan mo na lang akong gumawa ng baby-“ “Where can I get a baby?” biglang tanong ni Abigail. Ngumuso din ito na para bang nagpapaawa sa amin. Mukhang ginagaya niya ako. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Migz. Alam ko nang papaiyakin lang niya si Abigail sa sagot niya kaya nag-isip agad ako ng sagot para maunahan siya. “Saan ako kukuha ng baby!” Nasabi ko na lang ang unang pumasok sa isip ko: “Kay Santa Claus!” Saktong narinig namin ang Ho-Ho-Ho ni Santa Claus galing sa activity center. Tuloy itong si Abigail ay napatakbo papunta rito, hinabol pa namin siya ni Migz sa takot na baka maligaw ito. Kaya lang nahinto kami nang makitang may lalaki’t babaeng sumalubong kay Abigail. Mukhang ito na ang mga magulang nito kaya nakahinga na kami nang maluwag. Sandali lang namin ito nakasama pero masaya ako dahil sapat na ito para humaba pa ang oras ko kasama si Migz. “Bakit nagsinungaling ka sa bata?” tanong ni Migz sa akin habang pinapanuod namin ang pangungulit ni Abigail kay Santa Claus. “To make her happy,” nakita kong abot tainga ang ngiti ni Abigail habang kaharap si Santa. Iyon lang naman ang gusto ko. “At ang makarinig ng kasinungalingan ang tingin mong magpapasaya sa kanya?” Napatingin agad ako kay Migz dahil sa tanong niya. Kaya lang tinalikuran na naman niya ako. “Oo. Even if I have to lie over and over again to protect the people I love, the people I want to be happy, I’m willing to do it.” Nabalik ang tingin ko kay Abigail nang marinig ko siyang umiyak nang malakas. Nilayasan na siya ng nanay niya samantalang ‘yung tatay niya pinapalo siya ngayon. Sa takot ay mabilis akong sumunod kay Migz hanggang sa magkatabi na kaming naglalakad. Pilit kong inalis sa isip ko ang nakita. I started thinking of happy things. Nalibang ako sa iniisip ko kaya hindi ko namalayan na nakasunod pa rin ako kay Migz hanggang sa makalabas na kami ng mall. Pagkarating namin sa parking lot, dito lang ako natauhan. Aba’t talagang hindi man lang siya nag-aya kahit mag-kape lang. Napaka-faithful naman niya sa girlfriend niya. Paghinto namin sa tapat ng sasakyan niya, nagulat ako nang makita kung anong oras na. Inunahan na naman kasi ako ng side ko na may pagka-good samaritan. “Sana magustuhan ‘yan ng girlfriend mo,” sabi ko kay Migz patungkol sa nabili niyang regalo bago ko siya tinalikuran. Gusto ko pa sana siyang pakiusapan kaya lang ang sakit-sakit na ng binti ko. Pakiramdam ko dumudugo na rin ‘yung nakita kong paltos kanina dahil sobrang hapdi nito ngayon. I really feel stupid sometimes. Hindi ko namamalayan na nagiging sobrang bait ko na hanggang sa maramdaman ko na lang na nasasaktan na pala ako. Wala akong narinig mula kay Migz kaya mukhang dito na ulit maghihiwalay ang landas namin. Pero siguro nga, ito na rin ‘yung mas makakabuti para sa amin. Hindi ko rin naman inasahan na magkikita ulit kami. Siguro’y nakailang hakbang na ako papalayo nang marinig ko ang boses ni Migz. “Salamat.” Napahinto ako dahil dito. “Saan ang daan mo nyan?" "''Di mo na ako kailangang ihatid-" "I'm planning to go the opposite way." Umirap ako sa kanya bago siya talikuran. Nag-walk out na ako nang magsalita na naman siya. "May dala ka bang sasakyan?” Huminga ako nang malalim at ngumiti bago siya hinarap. “Sasakay na ako ng taxi. Bye!” “Ihahatid na kita.” Pabago-bago naman ang isip ng isang 'to. “Hala! No need. Sige na, baka hinihintay ka na ng girlfriend mo.” “Hindi kita ginagawan ng pabor. Bayad ito sa pagtulong mo sa akin. I don’t like owing someone.” Nawalan na talaga ng ka-sweetan ang lalaking ‘to sa katawan. At dahil alam ko rin namang ayaw kong sumasakay sa public transpo, hindi na ako naginarte at sumakay na sa kotse niya. Actually, ang bango ng kotse niya. Halata agad na pati ‘yung may-ari mabango at malinis sa katawan. Kahit sinong babaeng isakay niya rito, siguradong mahuhulog ang loob sa kanya. Naging tahimik lang kami buong byahe kaya ilang beses ko ring binasa ang labi ko sa nerbyos. Bobbie, ano ka ba? Si Migz lang ‘yan. Tumawa na lang ako bago pinutol ang katahimikan. “Kapag naging legal advisor kita, bukod sa benefits ng kumpanya bibigyan din kita ng iba pang benefits. Kung gusto mo may free lunch ka na, unlimited use of gym and pool, or alam ko na! Pwede ko kayong bigyan ng free accommodation sa Savage Hotels para i-celebrate ang birthday ng girlfriend mo!” Nasa highway na kami nang biglang niyang ihinto ang sasakyan. Kinabahan naman ako dahil akala ko pabababain na naman niya ako dahil maingay ako. Napakapit agad ako sa seatbelt. “Saan kita ihahatid?” seryosong tanong niya nang tingnan ko. Ngayon ko napansin na nag-lose ito ng weight kaya mas nadedepina ang panga niya. “Sa bahay namin. Nakalimutan mo na rin ba pati bahay namin?” pabirong tanong ko pero imbes na sagutin ako ay pinaandar lang niya ulit ang kotse niya. Another uncomfortable silence came. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin para mapilit ko siya sa gusto ko kaya naman pumikit na lang ako at nagkunyaring tulog. Maybe, I’ve said enough. “Ikaw ang nakalimot. Hindi ako,” He whispered and I chose not to say anything despite the sudden pain I felt in my chest. Pilit kong binura sa isip ko ang mga alaalang bilit na bumabalik. Dahil malapit lang naman kami sa mansyon, ilang minuto lang ay naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan. Binuksan ko ang isang mata ko para sumilip sa bintana at tama nga ako, nasa harap na kami ng gate namin. “Pwede ka nang bumaba.” “Would you please reconsider my offer?” Nag-taas siya ng kilay. “Pwede… ka nang bumaba.” Heto na nama ang pagtirik ng mga mata ko. Padabog akong bumaba ng kotse at malakas na isinarado ang pinto nito. Kung ayaw niya, fine, maghahanap na lang ako ng ibang lalaki dyan na pwedeng tumulong sa akin. Papasok na sana ako sa gate namin nang mahinto ako. Narinig ko ang pag-andar ng kotse ni Migz. Napasigaw ako nang makitang naipit pala ang dulo ng knitted skirt ko pagsara ko ng pinto! Tuloy ay unti-unti nang umiigsi ang suot ko ngayon! “Oh my God, Migz! Miguel! Miguel Zaporteza!” tinawag ko na siya sa iba’t ibang pangalan habang hinahabol ang sasakyan niya. Mabuti na lang hindi ganuon kabilis ang pagpapatakbo nito! Sinesenyasan na siya ng ibang tao na tumigil pero hindi pa niya agad napansin! Kung hindi ko pa binato ng heels ang sasakyan niya ay hindi niya ako mapapansin! Naghahabol ako ng hininga nang huminto ang sasakyan niya. Mangiyak-ngiyak ako nang makita ko siyang naglalakad papalapit sa akin. At nang kaharap na niya ako, nabigla siya nang makitang litaw na ‘yung cycling shorts ko at pinagtatawanan na rin ako ng ibang tao. Pakiramdam ko inaapoy ako ng lagnat dahil sa sobrang pagkapahiya. Kulang na lang maglakad ako ngayon ng nakahubo’t hubad! “Sorry, hindi ko alam.” Balak kong hampasin si Migz dahil sa inis kaya lang hinubad na niya ‘yung coat niya at ipinulupot ito sa beywang ko. He suddenly became gentle towards me. Paano pa ako magagalit kung nagpapaka-gentleman na siya ‘di ba? Nagtagpo na naman tuloy ang mga mata namin. Nakita ko ang pag-awang ng labi niya na para bang may gusto siyang sabihin kaya lang nag-ring ang phone niya at naputol ito. Nang makita ang kanyang screen, sumeryoso ang mukha niya bago sinagot ang tawag. “Yes—Hello? Teka ipaliwanag mo. Anong nangyari? Claudia!” Namutla ang mukha niya at para bang nakalimutan niyang kaharap niya ako. Mabilis pa sa kidlat ay nakasakay na siya ulit sa loob ng sasakyan niya. Iniwan niya akong mag-isa. Claudia… parang pamilyar ang pangalan na ‘to. Naiwan akong tulala’t nakatitig sa sasakyan ni Migz na papalayo na talaga sa akin ngayon. I don’t know why but I suddenly felt uncomfortable being left alone. Siguro dahil alam ko rin na baka ito na talaga ‘yung huli naming pagkikita. Paano’y hindi ko man lang alam ‘yung number niya. Hindi ko alam kung saan siya pwedeng mapuntahan. Inayos ko ang pagkakatali ng coat niya sa beywang ko para maitago ang nangyari sa damit ko. Dito ko napansing may laman ang bulsa nito. Kinuha ko ang card galing dito na agad nagpabago sa mundo ko. It’s Atty. Miguel Zaporteza’s calling card! Ngayon alam ko na kung anong number niya at kung saan siya nagtatrabaho. Narinig ko tuloy ang evil laugh ko deep inside. Isang hakbang ko pa lang pabalik sa mansyon, may nahulog mula mula sa coat niya kaya pinulot ko agad bago pa magpagulong-gulong sa kalsada. Nakita kong bracelet ito at nagtaka nang makitang may nakasulat na “Claudia’s Property” dito. Hindi ko tuloy alam kung ito bang bracelet ang tinutukoy na property ni Claudia… o si Migz.  Sino nga ulit si Claudia?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD