“Yes!” “Are you sure?” “Well, I’m not planning to say no this time.” Migz tried to hide a smile. Pero hindi niya maitatago ang paniningkit ng kanyang mga mata. Parang mga bata’y ni-sway namin pareho ang mga kamay naming magkahawak. Inaya niya akong umalis na ng club para masolo namin ang isa’t isa. Pumayag naman ako dahil hindi rin ako sinasagot ng mga kaibigan ko na kanina ko pa tinatawagan. I guess they’re all having a blast right now. Quinn’s probably wasted somewhere, mabuti na lang inaalagaan siya ni Tommy. Safe din naman si Tiffany kasama sina MJ so I guess I don’t have anything to worry about. Isa pa, hindi rin naman ako magpupunta ng club ngayon kung hindi dahil kay Migz. I actually have a class tomorrow morning at kapag naglasing ako, baka kailanganin ko pang mag absent. Migz

