Namutla ang mukha ni Mommy dahil sa sinabi ko. Nakita ko ring panay ang pag-flash ng mga cameras sa paligid at ang ilan ay mukhang kumukuha na rin ng video namin. Pakiramdam ko tuloy ay natutuwa pa sila na nakikitang miserable ako. “Stop taking pictures! Stop recording!” sigaw ni Migz bago ako iniwan para lapitan ang press. Nakita kong humingi na rin siya ng tulong sa mga hotel staff para pigilan ang mga ‘to. At dumating din si Dean para tumulong. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. Sobrang nasusuklam ako sa sarili habang panay ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi. Bumalik sa akin lahat ng mga senyales na buhay si Daddy kaya napailing ako nang paulit-ulit. “What did you say?” Halos hindi maibuka ni Mommy ang kanyang bibig. Bakas sa mukha niya ang sobrang pagkabigla. “Maramin

