Migz and I became friends eventually when we were in elementary. Kahit panay ang pagiwas ko sa kanya dahil sa takot na dalhin niya ‘ko sa discipline’s office, dumating din ang araw na na-corner niya ako. Isa kasi ako sa naka-assign maglinis ng classroom namin noong araw na nangyari 'yon. Kaya lang nagkataong lahat ng kagrupo ko may mga lakad. Nakiusap sila na ako muna ang maglinis. At dahil ako si Bobbie, pumayag ako nang walang reklamo. Hindi ko rin kasi alam kung paano tumanggi sa ganitong mga pakiusap. Uwian noon. Hindi ko inakalang susulpot bigla si Migz. Basta na lang siya pumasok sa classroom namin habang binubura ko ang mga nakasulat sa blackboard. Tanda ko pang mga mathematical equations iyon na balak kong pagpuyatan sa gabi para matutunan. He said a number. Mukhang sagot s

