Kabanata 4

3500 Words
Ang alam ko, nakita ko na si Claudia noon. Masyado pa kasi kaming mga bata kaya hindi malinaw sa memorya ko. Kaya rin siguro hindi ko siya agad naalala. Nasa high school pa lang kami noong ipakilala siya sa akin ni Migz. It was probably a one brief encounter. Freshman siya noon samantalang 2nd year high school student na ako. Si Migz naman nasa 3rd year na. Isang taon ang pagitan ng mga edad namin. Siguro nakikala ko si Claudia noong nagde-date na kami ni Migz - which of course didn’t last long kaya nawalan ng dahilan para mapalapit kaming dalawa sa isa’t isa. “Ano kayang nangyari sa loob?” “Narinig niyo ba ‘yung kalabog kanina?” “Pinalayas yata!” Iba’t ibang bulungan na naman ang narinig ko galing sa mga empleyado ng firm na ‘to. Ang iba’y naghagikgikan pa. Akala ko mga edukadong tao ang karamihang nagtatrabaho rito, e mas marami pa yatang tsismoso’t tsismosa. Inalis ko na lang ang isip ko sa kanila at binalik ito sa nakakahiyang nagawa ko. Ibig sabihin pala’y wala talagang girlfriend si Migz. Mukhang si Claudia lang ang pinaghirapan niyang bilhan ng regalo noon. Nakakahiya dahil nakailang ulit pa ako ng banggit na girlfriend niya ito. Paano’y kasalanan din niya, hindi niya nilinaw sa akin umpisa pa lang na mali pala ako ng akala. Siguro tuwang-tuwa pa siya na ginagawa kong tanga ang sarili ko sa harapan niya. Pero imbes na ma-stress pa sa nalaman, huminto ako sa pagiisip. Para kasi akong babagsak ano mang oras kaya naghanap agad ako ng mauupuan paglabas ko sa opisina ni Migz. Wala akong oras para isipin ang ibang tao ngayon dahil sa lagay ko. This allergy attack is killing me. Kung bakit ba naman kasi nagiging bobo ako pagdating kay Migz. “Ayos ka lang ba, miss?” tanong ni Tommy sa akin sabay abot ng inumin. “Anong nangyari sa loob?” Ininom ko ‘yung gamot na inabot ni Migz sa akin imbes na sagutin ang tanong niya. May kausap pa si Migz noong lumabas ako ng opisina niya. Para akong na-low bat. Mahirap din siguro talaga ‘yung magpanggap ka na okay kahit hindi naman.  “Feelingera kasi.” “Tumahimik ka nga, Princess. Naiinggit ka na naman.” “Epal ka na naman ‘no, Jaime?” ‘Yung dalawa kaninang nakausap ko, muling bumalik sa tabi ko. Wala pa rin naman silang magandang maitutulong. Naupo muna ako sa receiving area, sumandal, at pumikit. Alam kong ang daming nakatingin sa akin pero hindi ko na lang pinansin pa. Pilit kong pinigilan ang sarili ko magkamot dahil ayokong magsugat ito at magiwan ng peklat. Kahit pala ilang beses na ‘tong nangyari sa akin, I could never get used to it. Unti-unti’y humuhupa naman na ang pangangati ng katawan ko. Nanghihina ako ng sobra pero ayokong kaawaan ako kaya ngumiti pa ako kay Tommy. “Ang sungit ng boss niyo, daig pa babae.” natatawang komento ko para may pagusapan lang. Pero itong si Princess, lumapit sa akin na para bang makikipagaway dahil sa sinabi ko. Nakataas agad ang kanyang kilay at para bang sineseryoso niya ang opinyon ko. “FYI, hindi masungit si Attorney! Bukod sa siya ang pinakagwapong abogado sa firm-” “Hoy! Teka, nakakalimutan mo yata ako!” sabi ni Jaime, ‘yung preskong lalaking kanina pa sumisingit. Inirapan tuloy siya ng katrabaho niya. “Siya rin ang pinakamabait sa lahat.” Gamit ang mga daliri niya’y inisa-isa nito ang magagandang katangian ni Migz. “Trustworthy, humble, hardworking, and super gentleman.” Parang sa lahat ng sinabi niya, I should think twice sa sinasabi niyang pagiging “super gentleman” nito. Ang alam ko ‘yung dating Migz napaka-gentleman. hindi ko nga lang sigurado sa Migz ngayon kung ganuon pa rin siya hanggang ngayon. “Masungit siya. Period,” bulong ko na muntikan pang kontrahin ni Princess kung hindi pa nagsalita si Tommy. “Sabagay, hindi ko pa nakikitang magalit o tumawa si Atty. Zaporteza. Palagi lang siyang seryoso.” “Baka naman may atraso ka sa kanya kaya ka sinusungitan,” sabi pa ni Jaime, sabay bigay sa akin ng makahulugang tingin. Magsasalita pa sana ako para depensahan ang sarili nang biglang lumabas ng opisina niya si Migz. Natahimik ang lahat dahil siya ang pinaguusapan namin. Hindi ko alam kung kaba ba ‘to pero bumilis ang t***k ng puso ko. Parang bumagal din ang oras. Napatingin siya sa akin pero agad niyang binaling sa iba ang kanyang atensyon na para bang hindi niya ako nakita. “May mga kailangan pa ba akong pirmahang papeles?” Nakita ko ang pagigting ng kanyang panga. Kung mukha na siyang pagod noong makita ko kanina, parang ngayon ay dumoble pa ito. Nangangalumata siya at para bang kulang sa tulog at pahinga. “Yes sir. Wala ka nang pending,” sagot ni Tommy pagkatapos tingnan ang bakanteng incoming tray sa kanyang lamesa. “Kailangan kong umalis-” “Pero sir may meeting ka after lunch. VIP client natin ‘yon,” medyo naalarma ito. Bahagya namang napaisip si Migz. Humawak siya sa kanyang beywang at yumuko, tumalikod, tyaka napasapo sa kanyang noo. Hindi ko man alam kung anong nangyayari, mahahalata namang may problema ito. “Sir, si Claudia na naman po ba ‘yan?” tanong ni Tommy na para bang ilang beses ng naging dahilan ang kapatid nito sa kanyang pagkabalisa. Hindi agad sumagot si Migz. Tuloy lahat ng mga ka-opisina niya nagsimula na namang magusap-usap tungkol sa kanya. Kung hindi ko alam na nasa law firm ako, iisipin kong heartthrob si Migz at nasa campus pa rin kami. Sabagay, hindi na bago sa akin ang ganitong eksena. Noong high school students pa lang kasi kami, marami nang babae ang may gusto sa kanya. Wala siyang pinagkaiba kay Kuya. Hindi nga lang niya siguro pansin dahil sobrang focused niya sa pag-aaral gaya ko. Kami ang laging magkasama noon sa library kahit hindi kami magka-year level. Paano’y pareho naman kasi kaming may scholarship at ranking na inaalagaan. Alam kong maraming naiinis sa akin dahil kinukuha ko raw ang lahat ng oras ni Migz. But I’m not really bothered about them back then. Kasi noong mga panahon na ‘yon, alam kong sabay naming pilit inaabot ang mga pangarap namin. “Ano bang nangyari sa ‘yo?” hindi napigilan ni Princess tanungin ako. Tuloy naglabas na ako ng salamin at tiningnan ang itsura ko. Gaya ng inaasahan, may pantal ako sa leeg ngayon na kitang-kita talaga. Sinubukan kong takpan ng face powder kaya lang mas lalong nairita at nangati. Habang abala ako sa sarili kong problema, narinig kong nagsalita ulit si Migz. “Pwede ko bang pasamahan ulit si Claudia sa ‘yo?” tanong nito, obviously kay Tommy. Naubo naman si Tommy. Napatingin tuloy ako sa kanya at kitang-kita ko ang paglunok nito. Halatang gusto nitong tumanggi kaya napatingin siya sa ibang kasama. “Sir... kaya lang ano kasi. ‘Di ba kailangan ako sa meeting?” “Mas kailangan ko ng tulong mo kay Claudia,” Mukhang may kinalaman ito sa tawag na natanggap niya kanina. ”Nag-back out na naman ‘yung katulong na kinuha ko. Walang makakasama sa kanya sa check-up niya ngayong araw.” Lahat sila mukhang problemadong-problemado kahit parang ang simple lang naman ng sitwasyon. Para saan kaya ang check-up na pupuntahan nito? “Bakit hindi na lang siya ang pumunta mag-isa? It’s not as if pilay siya at kailangan pa niya ng kasama,” nasabi ko nang wala sa sarili habang nananalamin. Naiinis pa rin kasi ako sa inasta ni Migz kanina gayong pinagluto ko na nga siya ng lunch. Ano bang mahirap sa pagkain at pag-appreciate ng effort ng iba? Dati naman sobrang dali lang sa kanya para gawin ‘yon. And maybe I was being so indifferent. Nagtaka ako nang magkaroon ng kakaibang katahimikan. Nakarinig ako ng ilang yabag at nagulat nang makitang may nakatayo na sa harapan ko. Dahan-dahan akong tumingala at dito nakita si Migz. He was towering over me. Nakita ko ‘yung magkahalong pagod at inis sa mukha niya. “Oo, pilay si Claudia. May maitutulong ka ba?” mapait niyang tanong. Guilt immediately rushed through me. Tinikom ko ang bibig ko. Nabigla ako dahil hindi ko inasahan ang sinabi niya. Oo’t ‘di ko tanda ‘yung mismong pagkikita namin ni Claudia noon but it’s impossible for me not to remember if she’s crippled. “Sorry...” agad kong sinabi, parang medyo may kurot sa dibdib ko. Hindi ko naman kasi alam. Ngayong matalim ang tingin ni Migz sa akin, parang kulang na lang kainin niya ako ng buhay. “Aba malay ko ba,” dagdag ko. Saktong nangati ang lalamunan ko kaya hindi ko napigilan ang pag-ubo. Buti natakpan ko ang bibig ko dahil ang lapit ni Migz sa akin. Hindi ko alam pero napapikit siya at parang mas lalo ko pang nainis. “Grabe, allergy lang. Wala akong virus. OA?” tumirik na naman ang mga mata ko. “Bakit nandito ka pa?” Hindi ko mabasa kung nagaalala ba siya sa akin o naiirita. “Ininom mo na ba ‘yung gamot mo?” Parang pinipiga ‘yung puso ko sa simpleng tanong niya. Pero hindi ko pinakita na ganito ang epekto niya sa akin. “Bakit, worried ka?” panunukso ko. Kaya lang sobrang sama ng tingin niya sa akin. Itinigil ko na lang tuloy ang pang aasar Mukhang wala rin naman na akong mapapala ngayon sa kanya, kaya tumayo na ako. Mas mabuti sigurong umuwi na lang. “Sabi ko nga aalis na ‘ko. Bye!” May ngiti pa rin sa labi ko noong tumalikod ako. Ayoko pa talagang umalis kaya lang baka nakakagulo lang ako sa kanila. At nang dapat sana’y hahakbang na ako papaalis, narinig ko pa si Tommy. “No offense sir, pero hindi ko na po talaga kayang samahan si Claudia.” “Kung dahil sa ginawa niya noong nakaraan, sabi ko naman sa ‘yo I’m willing to pay for all the damages-” “Ayoko talaga sir. Kung gusto niyo kahit si Ma’am Princess na lang ulit. O ‘di kaya si Sir Jaime. Maluwag ang schedule nila ngayong araw.” “Hindi! May kikitain ako after lunch na new client!” naalarmang sigaw ni Princess sabay alis. Kahit gaano pa niya kagusto si Migz, tinanggihan pa rin niya ang ipinapakisuyo nito? “May... client din akong kausap! Oo! Sige ah, busy ako,” dahilan naman ni Jaime. Mukhang may ginawa talaga si Claudia na hindi nagustuhan ng lahat para ganito ang maging reaksyon nila. Hindi ko alam pero dahil sa nakikita kong nangyayari, nagkaroon ng light bulb sa ulo ko. Hinarap ko silang muli at this time, mas maaliwalas ang mukha ko. “Ako na lang ang sasama sa kanya.” Napatingin sa akin lahat. Parang gulat na gulat sila, si Tommy naman halatang nabunutan ng tinik. “No,” Migz instantly rejected my offer. Parang hindi na niya kailangan pang pagisipan ang sagot niya basta ako ang involved. Palagi na lang ba niya akong tatanggihan kahit kailangan na kailangan na niya ng tulong? “Tingnan mo nga ‘yung itsura mo,” he added. Alam kong mukha akong nakakaawa dahil sa allergy ko pero dahil nakainom na ako ng gamot, pahupa naman na ito. “Bakit? Maganda pa rin naman ako,” sarkastikong balik ko. Hindi ko alam kung sino ‘yun pero may narinig kong may tumawa kaya humalukipkip ako. Napaatras nga lang ako nang makita kong lumapit pa lalo si Migz sa akin. Narinig ko ang pagsinghap ng iba dahil sa kakaunting distansyang iniwan nito sa pagitan namin. Kulang na lang halikan niya ‘ko in public. Napalunok ako pero hindi ako kumukurap. Nakipagtitigan ako kay Migz hanggang sa igilid na naman niya ang kanyang mukha sa bandang tainga ko. Buti hindi ako ngumuso para salubungin ang labi niya. “Kahit gawin mo ‘to, hindi pa rin ako papayag sa gusto mo.” Kinilabutan ako. Umangat ang buhok ko sa batok dahil sa pagtama ng hininga niya sa leeg ko. But I smirked. I was expecting him to say this. Pero dahil sa nakikita kong reaksyon ng mga tao sa paligid namin - parang gustong manakit ng mga babaeng katrabaho niya, naisipan kong i-take advantage ang pusisyon namin. Para ipakita ko sa kanila na hindi ako kung sino lang. Pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg ni Migz at bumulong din pabalik bago pa siya makapalag. “Alam ko. Don’t worry. Tikman mo lang ang kare-kare ko, happy na ‘ko.” Kinagat ko ang tainga niya pagkatapos kaya inilayo niya agad ako sa kanya sabay atras. Namumula ang magkabilang tainga niya ngayon kaya tawang-tawa ako. “Come on, wala ka nang ibang pwedeng asahan kundi ako,” binaling ko ang atensyon ko sa ibang mga empleyado. “Sino ba sa inyo ang gustong sumama kay Claudia?” Lahat sila nagsi-balik sa trabaho. ‘Yung mga nakikiusyoso kanina awtomatikong nawalan ng pakielam. Nagkibit-balikat ako because I think I already made my point. Mukhang lahat sila may alam sa naranasan ni Tommy sa kapatid ni Migz, o baka naman nautusan na rin sila noon at hindi rin maganda ang kinahinatnan. Either way, for sure I’m the only one he could depend on now. Nakipagtitigan ako kay Migz. I could see exhaustion in his eyes kaya tiyak na bibigay na rin ito. Binaba-taas ko pa ang kilay ko para mas makita niya ang point ko. At nang siya ang unang kumurap, mas umangat ang magkabilang gilid ng labi ko. “I’ll send you our address. Susunduin si Claudia sa bahay at dadalhin sa ospital para sa check-up. Pagkatapos, iuwi mo rin siya agad.” “Anong oras siya dapat sunduin?” tanong ko nang dapat sana’y tatalikuran na naman niya ako. Ang hilig niyang talikuran ako. “Mamayang ala una ng hapon.” Tumingin ako sa wristwatch ko at mas lalong nabuhayan ng loob. “Then we still have thirty minutes. Kailangan makita ko munang kumain ang hubby ko ng niluto ko bago ako umalis,” nilakasan ko pa ito para marinig ng iba. Umigting na naman ang panga niya sa sinabi ko. Wala nang libre sa mundo ngayon. Kung gagawan ko siya ng pabor, dapat lang na siya rin gawin ang gusto ko. I just want to see him eat the food I prepared. Iyon lang sapat na sa akin. It’s not as if he’d agree to be my legal advisor just because I help him out on this. Alam kong nasa isip niyang tumanggi pero hindi niya ginawa. Sumunod lang ako sa kanya nang maglakad siya pabalik sa loob ng opisina niya. Tommy mouthed “thank you” because I saved him. Binigyan ko naman ng finger hearts ‘yung mga babaeng inis na inis at halatang may gusto kay Migz. Pagkapasok sa loob ng office, tuloy-tuloy lang si Migz sa table niya. Naupo siya sa swivel chair at tinitigan ang kare-kare kong medyo malamig na ngayon. Kinuha ko naman ‘yung kanin mula sa lamesita at dinala ito sa kanya. “Walang lason ‘to?” tanong niya para siguro mainis ako pero hindi ito uubra sa akin. “‘Di pa naman bumubula bibig ko kaya baka expired na ‘yung lasong nabili ko.” Napili kong pwesto ang upuan sa harapan ng kanyang lamesa. Dahil sobrang tahimik, halatang naiilang si Migz nang magsimula siyang kumuha ng kanin at ulam. Hindi ko inasahang makikita ko pa ang sandaling ‘to. Sa harapan ko, nagsimulang kumain si Migz. Nakatitig ako sa kanyang mukha habang ngumunguya siya. Nangingiti ako, hindi ko lang talaga mapigilan. Tuloy napatingin si Migz sa akin. Mas ngumisi ako. “Masarap?” tanong ko habang puno pa ang bibig nya. Sandali niya akong tiningnan nang diretso. Kinabahan ako dahil baka hindi siya nasarapan. Pero ilang sandali lang, dahan-dahan siyang tumango. Naningkit lang ang mga mata niya na para bang napilitan siyang sumangayon. Pero nakahinga naman ako nang maluwag. Kung hindi masarap, hindi lalagpas ng tatlo ang subo niya. Sa wakas natupad ko na ang pangako ko noon na ipagluto siya ng paborito niyang pagkain. “Binili mo lang yata ‘to sa labas.” “Secret!” Ako lang ang tumawa. Saktong kumulo ang tyan ko kaya mas nilakasan ko ang tawa ko para pagtakpan ito. Natigilan tuloy siya at napatingin sa akin. Nakakahiya na naman ako! “Kain ka lang!” Sa kabila ng sinabi ko, bigla siyang tumigil sa pagsubo at nag-angat ng telepono. “Tommy, padala naman ng pagkain at inumin dito, salamat.” Pagkababa niya ng tawag, hindi ko alam pero may nag-ingay na naman sa dibdib ko. Kung bakit ganito ito kabilis mag-react ay hindi ko na rin maipaliwanag. “Hindi mo naman ako kailangang pakainin...” “Ayoko lang titigan mo ‘ko magdamag.” Nagsusungit pa rin si Migz pero natawa ako. Tama siya. Balak ko ngang titigan lang siya magdamag. Paano’y hindi pa rin nawawala ang pamumula ng kanyang tainga. Ibig sabihin, may epekto pa rin ako sa kanya. Mabuti na lang at kahit noong una’y ‘di kami kumportable sa isa’t isa, nasanay din kami sa katahimikan habang hinihintay si Tommy. Hindi ko nga lang inasahan nang magsalita ulit si Migz. “Anong nangyari, Bobbie?” Nanlamig ang buong katawan ko. Parang hindi sasapat ang ilang minuto para sagutin ang tanong niya. Tiningnan niya ako sa paraan kung paano niya ako tingnan kahapon. Malalim. Makahulugan. Puno ng mas marami pang tanong. Hindi nga lang ako nagkaroon ng pagkakataong sagutin ito dahil sa pagpasok ni Tommy, dala ang pagkaing magsasalba sa akin. *** Claudia Zaporteza is a total a b***h. Ito ang conclusion ko pagkatapos kong marinig ang iba’t ibang kwento ng mga katrabaho ni Migz na minsan na siyang nakasama. She’s smart yet anti-social. She likes pulling pranks on strangers. She’s so entitled. Si Migz lang daw yata ang kasundo nito at gustong makasama kaya walang nagtatagal na katulong. Lahat ng kwento nila tungkol dito ay negatibo pero ayoko namang pangunahan ‘yung tao. Gusto ko pa siyang bigyan ng chance kahit na kabado ako sa kahihinatnan ng araw na ‘to. Nakapunta na ako sa bahay nila Migz dati. Pero mukhang lumipat na sila dahil ‘yung address na pinuntahan ko ngayon, nasa loob ng isang magandang subdvision. Dahil siguro sa trabaho ni Migz, nakaangat-angat na sila sa buhay. Hindi naman kasi mayaman ang pamilya nila Migz. Nagtitinda lang noon sa palengke ang nanay niya samantalang driver ang kanyang tatay. May kuya pa siya ang alam ko e, pero hindi niya ito madalas ikwento dahil parang hindi sila in good terms. Huminto ako sa bahay na nag-match sa address na binigay ni Migz. It’s a modern one-storey house with rooftop. Napatingala ako dahil kahit simple lang ito, ang eleganteng tingnan ng disenyo nito at pinaghalong kulay ng brown and white. Bumaba ako ng sasakyan at nag-door bell. Ilang beses ko rin ito inulit bago ko naalalang pilay nga pala si Claudia. Binigay din naman sa akin ni Migz ang susi nila. Kaya gamit ito, binuksan ko ang gate at nagtuloy-tuloy sa loob. Napasinghap nga lang ako nang makarinig ng tahol ng aso. Sobrang lakas nito, pero imbes na matakot ay mas na-excite pa ako. I’m a pet lover. Ang sabi sa akin ni Tommy, pinahabol siya sa itim na dachshund dog noon ni Claudia. Iyon ang first meeting nila. Kung ganuon ay siguradong sobrang cute ng aso nito. Kung pwede lang magalaga ng aso sa mansyon, matagal ko nang ginawa. “Claudia?” tawag ko. Pero walang sumagot mula sa loob ng bahay kahit sa pangalawang beses na pagtawag ko. Mas lumakas lang ang tahol ng aso. Tuloy ay wala akong choice kundi buksan ulit ang main door ng bahay gamit ang susi ni Migz. Saktong pagbukas ko ng pinto, may tumapong bucket ng powder sa ibabaw ng ulo ko. Hindi ko ito inasahan. Napapikit ako at mas lalong naubo. Mukhang may patikim agad na prank si Claudia sa akin. “What a beautiful welcome surprise...” sarkastikong komento ko kahit kulang na lang lagyan ako ng itlog para iluto. May naramdaman akong lumapit sa bandang paanan ko habang inaayos ang sarili. At dahil sa tahol ito nang tahol, alam ko na agad na ito ‘yung aso. Hindi naman ako natakot gaya ni Tommy. Lumuhod pa ako at pilit na dumilat para makita ito. Kulay itim na dachshund. Sobrang ingay pero sobrang cute. “Hello!” tawag ko rito habang pinapagpag ang sarili. Mukhang mangangagat ‘yung aso pero noong mahawakan ko na. Unti-unti itong natahimik at kumalma. Natuwa ako ng sobra rito dahil ang liit at ang haba. Muntikan ko nga lang makalimutan ang talagang pakay ko sa bahay na ‘to kung hindi agad sumulpot ang taong pinapasundo sa akin. “Pepper, bite!” Nag-angat ako ng tingin sa pinanggalingan ng boses at nakita sa wakas si Claudia ‘di kalayuan. “I said bite!” Walang nakapagsabi sa akin na napakaganda pala ni Claudia. She’s breathtaking. I’m not kidding. Nakaupo ito sa wheelchair at kahit wala pang ayos masyado, sobrang ganda. Singkit din ito gaya ni Migz, maputi, at makinis ang balat. Mahaba ang buhok niya, may bangs na halos abot na sa kanyang mata. Kung close lang kami, tatanungin ko siya kung mahilig siya sa kdramas dahil parang dun inspired ang hairstyle niya. Paulit-ulit niyang inuutusan si Pepper, ‘yung aso niya, na kagatin ako. Nagalit lang siya bandang huli dahil ayaw nitong sumunod. Tuloy nagtago si Pepper sa ilalim ng hagdan sa takot. Dito ko napatingin sa kabuuan ng bahay nila. Hindi ito kasinglaki ng mansyon namin pero ramdam mong totoong bahay ito. Simple lang pero kumpleto lahat ng gamit, nandito na lahat ng kailangang furnitures at appliances. Gusto ko pa sanang maglibot kaya lang nasa harapan ko na ang wheelchair ni Claudia. “Ikaw ba ang sasama sa akin ngayon?” malamig na tanong niya pero ngumiti lang ako. “Yes. Ako. Wala nang iba,” tinawanan ko ang sarili ko pero para lang akong tanga kaya tinigilan ko rin agad. Pinaandar ni Claudia ang wheelchair niya na para bang wala siyang pakielam sa akin. Mukhang alam ko na kung sino ang pinagmanahan nito. “Bitbitin mo ‘yung mga gamit ko.” Bumuntong-hininga ako nang makita ang bag niya at bag ng aso sa paanan ng hagdan. Tumahol pa si Pepper na para bang pinapaalala niyang kasama namin siya. “Ano ulit pangalan mo?” pahabol na tanong ni Claudia. “Bobbie. Bobbie Ann Savage.” Hindi ko alam pero parang mas nagdilim ang awra ni Claudia. Ngayon pa lang, ramdam ko nang magiging dakilang utusan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD