“Good morning everyone!” bati ko sa lahat paglabas ko ng kwarto. Maganda ang gising ko. Parang nakakarinig ako ng mga huni ng ibon sa paligid kasabay ng pag-tama sa ‘kin ng sikat ng araw. Pumikit ako sandali at huminga ng malalim, ngayon lang naging ganito kagaan ang pakiramdam ko. May mga katulong kaming agad yumuko nang makita ako sa hallway. “Ang ganda ng panahon ‘no?” tanong ko naman sa kanila. Saktong nakarinig kami ng malakas na kulog at kidlat. “Uhm, yes po,” nagaalangang sagot ng isa sa kanila pero tinapik ko lang ang balikat niya at tyaka ngumiti. Pagbaba ng hagdan, para akong lumulutang sa saya. Dumiretso ako sa front door at binuksan ito. Naramdaman ko ang pagtama ng malakas na hangin sa mukha ko na may halo pang ulan pero lumawak lang ang ngiti sa labi ko. “Refreshing!”

