PARE, LILIGAWAN KITA

4097 Words

Chapter 16 Andrei's Point of View Nagkatitigan kami ni Kyle. "Bakit siya pumapasok dito sa CR ng mga lalaki?" bulong kong may halong matinding pagtataka. "Sosyo siya sa may ari ng restaurant na'to. Madalas siyang pumasok sa CR kapag alam niyang nandito ako." sagot niya. "Damn it! E, alam mo naman pala eh, bakit ka sumunod? Akala ko ba nag-iingat ka?" bulong ko. Nanginginig na ang tuhod ko. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib at nakita ko din kay Kyle yung takot. "Kasi..." halata ang takot niya. "Kasi ano?" "Kasi di ko na makontrol ang sarili ko kanina. Nawala ako sa sarili dahil ikaw lang ang tanging tumatakbo sa isip ko. Gustung-gusto na kasi kita kaninang mayakap at mahalikan." sagot niya. Kinilig sana ako kung di lang sa nararamdaman kong takot. Sana lumabas na si Anne sa CR.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD