Scarlett pov Napabuntong-hininga ako habang iniisip na isang araw na pala ang aking pinalipas bago ako pumasok muli sa Cafe, nasabi naman sa'kin ni Anne na hindi na pumunta ang mga taong 'yun kahapon baka naniwala na ang mga 'yon na hindi ako ang babaeng hinahanap nila. Pero kung dati ninanais kong umupo sa labas ngayon ay pinagsisihan ko 'yon mas gugustuhin ko na lang makulong dito sa opisina. Hinilot ko ang noo ko. "Ate so ano plano n'yo?" Umiling ako hindi ko naman kasi alam kung ano ang gagawin ko. "Hindi na naman ata sila mangugulo Anne.." Seryosong saad ko for sure naniwala na ang mga 'yon ngunit natigilan at nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng sigaw ng maliit na boses mula sa labas. "Mom!! Mom!! Teka bitiwan n'yo ko!! Asan na 'yung mama ko?" Napaupo ako ng matuwid s

