Chapter 15

1671 Words

Chapter 15 Nagulat ako sa dami ng kinain ni Christian. Matakaw pala siya sa mga isaw, bagay na hindi halata sa kanya. Mukha kasi siyang hindi marunong kumain ng mga pagkain kalye base narin sa estado niya sa buhay at sa paraan ng pananamit niya. Halos maubos nga namin ang tinda ng tindera sa dami ng mga nakain namin. Matapos kumain ay inuwi na niya ako sa amin, pero bago kami makarating sa kanto ay nag-request siya na baka kaming tumambay sandali sa may parke na sinang-ayunan ko naman. Mukha kasi na wala pa siyang balak na umuwi kaya sinamahan ko na muna siya at baka nga may problema na naman siya sa nobya niya.  ‘Grabe sobra ang busog ko, Liberty! Hahahahaha! I can’t believe that I have eaten that much tonight!’ magiliw na sabi niya ng nakaupo na kami sa swing na dati namin pinuwestuhan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD