Chapter 42 Habang dumadaan ang mga araw at linggo ay nagsisimula ng maging halata ang tiyan ko, tumaba narin ako ng bahagya dahil sa araw-araw ba naman na pagbibigay ng baon sa akin ni Francis at sa pag-aalaga niya sa akin. Kung minsan ay nahihiya na ako sa kanya dahil labis-labis na ang mga tulong na binigay niya sa akin na kung tutuusin ay hindi naman dapat niya ginagawa dahil wala naman siyang obligasyon sa akin at sa batang dinadala ko. Pero sabi nga niya, masaya siya na nakakatulong sa akin sa kahit na anong paraan na pwede. Dahil sa ginagawa ni Francis ay unti-unti na ulit akong nakakaipon dahil malaki ang natitipid ko sa mga gastos ko para sa sarili ko at sa pagkain namin magkapatid. Mas naging close pa kami ni Francis pero hindi sa aspeto ng pag-ibig, kung hindi sa pagiging magk

