Chapter 94 Tatlong taon na ang matulin na lumipas. Tatlong taon narin kami ni Christian na mag-asawa at kagaya ng mabilis na paglipas ng panahon ay ang mabilis na paglaki rin ng dalawang anak namin. Halos apat na taon na si Franco habang si Jr naman ay mahigit dalawang taon na. Gusto na nga niya ulit sundan ang dalawa pero may mga mahahalaga pa kasi kaming bagay na dapat asikasuhin kaya pinagpaliban muna namin ang nais niya. Itinayo na kasi ang commercial building na pinagawa niya sa dating bahay ng mga magulang niya. It is a 5-storey building kung saan ay open sa mga negosyante o sa sino man na gustong mag-business na may hindi kalakihan na puhunan. Ang buong ground floor ay nakalaan para sa akin kung saan ay simula ng nag-operate ang restaurant ko. May isang pwesto rin sa second floor n

