Chapter 2

2120 Words
Chapter 2 ------,-'-,--{@ 'Liberty! Liberty dali ka!' walang kaabog-abog na pumasok ang baklitang bestfriend ko sa loob ng dressing room. Naka-bra at panty lang ako pero ni katiting hiya ay hindi ako nakaramdam na humarap ako sa baklitang ito. 'Jusko naman Liberty! Have some little decency naman girl! Takpan mo naman ang mga hindi ko dapat makita kahit para sa akin lang please girl. Ang sakit mo sa mga beautiful eyes ko.'  'Tignan mo ikaw! Hoy baklitang espasol! Ako tigil-tigilan mo jan sa kaka-arte mong yan ha! Ikaw etong basta na lang pumasok dito tapos magrereklamo ka sa akin ngayon! At isa pa! Hello! Nasa club tayo so anong ine-expect mo! Mga babaeng naka-trahe de boda? Eh kung patikman kaya kita ng putahe ko para baka sakaling maging straight ka at ang pag-iisip mo na lalaki ka, gusto mo?' malandi akong lumapit sa kanya na ikina-tili ng bakla. 'Hahahahaha! Bakit ba kasi? Ano ang sinisigaw-sigaw mo jan?' nagbalik na ako sa harap ng salamin upang ayusin ang aking mukha. Lunes ngayon medyo matumal kaya kailangan angat sa karamihan para mapansin kaagad ng mga customers ang beauty ko.  'May mga bagong dating Liberty! Hinahanap ka! Ngayon ko lang sila nakita dito sa club! Ang gwapo jusko po Mang Rudy! Nalaglag ang matres ko ang kagwapuhan nilang apat!'  'Ang OA mo baklita! Hindi bagay sayo at wala kang matres hoy!' tinapos ko na ang kilay ko. 'Eh bakit daw nila ako hinahanap? Wala naman akong ine-expect na regular customers ko ngayon. Lunes kaya!'  'Basta ang sabi Liberty daw! Ikaw lang naman ang may ganyan na pangalan dito sa atin. Labasin mo na baka mainip!'  'Excited ka? Eh bakit hindi ikaw ang labasin mo na! Kung maka-labasin mo na ka jan! Nakita mong nag-aayos pa ako ng mukha ko dito.'  'O eh basta after mo jan ha, gorabels ka na dun.' sumulyap ako sa kanya saka ipinagpatuloy ang paglalagay ng eyeshadow.  Pasado alas-diyes na pero halos kakarating ko pa lang dahil kapag ganitong araw ay swerte na kung may customer kami na isa. Mas madalas ay nganga kaya kapag Lunes talaga ay late na ako dumadating. Hawak naman namin ang schedules namin dahil nasa sa amin na kung papasok ba kami o hindi. Kung gusto ba namin kumita o hindi. Basta ang importante kay Mommy A ay ang entrega niya sa tuwing may maglalabas sa amin na mga alaga niya.  Suot ang puting pekpek shorts at croptop na itim saka naka-ponytail na mataas ay lumabas na ako saka nagpunta sa table namin ng mga kasamahan ko. Lahat sila ay andun kaya ang ibig sabihin lang nun ay walang customers kahit pa may ilan na nag-iinom sa mga tables.  'Uy Liberty! Table 6 ka! Kanina ka pa hinihintay nung apat na fafables!' pagbibigay alam sa akin ni Myleen. Sinipat ko muna ang table 6 kung saan apat na lalaki nga ang nag-iinom. Mga naka-office attire pa sila at mga gwapo nga in fairness.  'Ako lang? Ano ito foursome?' halakhakan kaming lahat sa table.  'Sige na puntahan mo na!' sabi rin ni Alicia.  'Mauuna ako pero kapag sumenyas ako dito, sumunod ang tatlo sa inyo ha! Hindi kakayanin ng powers ko ang apat na yan! Sagad ako kagabi, mahapdi-hapdi pa nga! Hahahahaha!' bulalas ko na ikina-tawa ko ng malakas.  'Okay sige go na!' sagot ni Amanda.  Naglakad ako papunta sa table 6. Tumayo ako sa harap ng apat at sabay-sabay silang nilingon ako.  'Hi boys! Hinahanap niyo raw ako?' ngumiti ako ng malapad sa kanila. Kitang-kita ko kung paano gumapang ang mga tingin nila mula mukha mo pababa sa katawan ko. Mas nilawakan ko pa ang ngiti ko nang sabay-sabay rin silang halos napalunok.  'Ikaw si Liberty?' tanong ng lalaking may itim na kurbata.  'The one and only. Nice meeting you.' nilahad ko ang aking kamay na kaagad naman nitong inabot.  'Ang lambot ng kamay mo Liberty, ako si Edwin.' isa-isa naman nagsitayuan ang dalawa pa nitong kasama.  'I'm Francis, Liberty. Hello.' kamay rin sa akin ng lalaking naka-asul naman na kurbata.  'Greg by the way. Pleasure meeting you beautiful.' turan naman ng lalaking kulay maroon naman ang kurbata.  'Hi Greg.' napansin ko ang nag-iisang lalaking kasama nila na hindi tumayo at nanatiling umiinom. Tumaas ang kilay ko rito dahil bukod tanging ito lang ang hindi pumansin sa alindog ko. 'And you are?' sabi ko pagkaraan. Ang tinutukoy ko ay ang lalaking hindi ako tapunan ng tingin.  'Ah yan si Christian! Kaibigan rin namin siya Liberty saka birthday niya ngayon kaya nagse-celebrate kami!' sumulyap si Christian sa nagsalita pero hindi pa rin sa akin.  'Takot yata sa sexy at magandang babae si Christian! Ayaw akong tignan eh! Hahahaha!' pabiro kong sabi.  'Naku ganyan lang talaga yan si Christian, Liberty! Virgin pa kasi yan at hindi pa nakaka-score kaya ilag sa mga chicks!' nagtawanan sila ng malakas pwera ang lalaking tinutukoy ni Francis.  'Ah kaya naman pala. Huwag kang mag-alala Christian, hindi naman ako nangangagat. Konti lang naman saka hindi naman masakit. Masarap pa nga.' natawa ako sa isip ko nang makita kong ikina-pula ng tenga ni Christian ang sinabi ko.  'Ang sarap mo sigurong kumagat Liberty!' makahulugan na turan ni Greg na ikinatawa ko.  'So paano ba tayo nito? Hindi niyo man lang ba ako yayayain maupo at maki-join sa birthday celebration niyo?'  'Upo ka Liberty!' sabay-sabay na sabi nila Greg, Francis at Edwin.  'Pero apat kayo at isa lang ako! Mas maganda siguro kung mag-table pa tayo ng tatlo pang babae para lahat kayo may mga partners! Ayos lang ba?'  'Sige sige!' sabay-sabay ulit na sagot ng tatlo. Sumenyas ako sa table kung saan ay naroroon ang mga kasamahan ko. At kagaya nga ng napag-usapan namin kanina ay tatlo sa kanila ay lumapit sa table number 6. Pinadagdagan namin ang mesa at mga upuan para magkasya kaming walo.  Dahil sa si Christian ang birthday boy ay sa kanya ako tumabi. Yun rin naman ang gusto ng mga kaibigan nito kahit pa ang mga mata nila ay iba ang nais. Pagkaupo ko sa tabi ni Christian ay nasamyo ko kaagad ang pabangong gamit niya. Pang-mayaman. Rich boy. Nakakatuliro ng utak sa bango at nakakakiliti sa pakiramdam.  'Ako nga pala si Liberty ulit.' nilahad ko ang aking kamay sa kanya. Pagkaraan ay inabot niya ito.  'Christian.'  'Ang ganda ng pangalan mo Christian. Parang Christian Grey lang ng Fifty Shades. Ang hot.' napahalakhak ako ng bahagya ng mamula na naman ang tenga nito. 'So bakit virgin ka pa Christian? Gwapo ka naman saka mukhang makisig at magaling.' dinantay ko ang kamay ko sa balikat niya na ikinakislot niya. Napaatras ako ng tingin sa kanya ng may pagtataka.  'Hindi ko lang priority ang mga ganun bagay.'  May mga lalaki pa pala na kagaya ni Christian sa panahon ngayon. Akala ko wala na. Halos karamihan kasi sa mga kalalakihan ngayon kahit na nasa mura pang edad ay may karanasan na sa s*x. Ang iba nga ay nasasampolan pa sa internet o yung tinatawag na cyber s*x. Hindi ko lang akalain na may kagaya pa pala ni Christian sa mundong kasalukuyan na puno ng imoralidad. 'Hindi ka naman siguro bakla, ano Christian?' ininom ko ang beer na nilapag sa harapan ko saka nagsindi ng sigarilyo.  'Hindi no! Lalaking-lalaki ako. Ayoko lang sa ngayon. May mga pangarap pa ako that I want to achieve first.' nagsindi rin siya ng sigarilyo niya.  'Ah so good boy ka ganun? Nakakatuwa ka naman.'  'Bakit mo nasabi?'  'Kasi good boy ka. Pero alam mo ba Christian, mas type ko ang mga good boy na kagaya mo. Lalo na yung mga wala pang experience pagdating sa kama. Mas nakakahamon kasi saka mas madaling turuan at matuto.'  'Maybe some other time siguro.' tanggi niya sa sinabi ko na kahit papaano ay ikinasagi ng ego ko.  'Alam mo bang wala pang tumanggi sa akin. Halos lahat nga nahuhumaling sa akin Christian. Ikaw ba hindi? Ano bang mga tipo mo sa babae?' bahagya kong dinikit ang dibdib ko sa braso niya pagkatapos ay kinuha ko ang isang kamay niya at pinatong sa itaas na bahagi ng hita ko.  'Don't get me wrong Liberty. Maganda ka at sexy pero kasi may girlfriend na ako.' dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya sa hita ko. 'Ano naman kung may girlfriend ka? Hindi naman kita sosyotain eh. Libangan lang. Maglalaro lang tayo. Saka hindi naman natin sasabihin sa girlfriend mo kung sakali man na gawin natin yun.' umiling siya. 'Faithful ako sa girlfriend ko Liberty. Sumama lang ako sa mga kaibigan ko ngayon para pagbigyan sila dahil birthday ko nga. But beyond drinking here, wala na. I don't have any plans of devirginizing myself sa ganitong....'  'Ganitong klaseng lugar? Sakit mo naman magsalita Christian. Na-hurt naman ako dun.' dumistansya ako ng konti sa kanya saka nilapat ang isang kamay ko sa dibdib ko na para bang nasaktan ako.  'I'm sorry kung nasaktan ka sa sinabi ko Liberty. Nire-reserve ko lang talaga ang sarili ko sa girlfriend ko. Pasensya ka na kung ako ang unang tumanggi at you.' napahanga ako ng taong ito. Napaka-swerte naman ng girlfriend niya sa kanya dahil mukhang napakabait niya at napaka-loyal pa rito kahit pa wala ito sa tabi niya. Napangiti ako pagkaraan ng ilan segundo saka hinampas siya sa braso.  'Ano ka ba? Hahahaha! Ayos lang yun! Sinusubukan lang kita! Mag-inom na lang tayo dahil birthday mo! Dapat masaya tayo! Isang beses lang ang birthday sa isang taon kaya let's party!' inangat ko ang beer ko at nakipag-cheers sa kanya.  Matagal rin kaming nag-inuman. Syempre lahat ng iniinom namin ng mga kasamahan ko ay bayad nila. Ultimo sigarilyo namin ay libre rin nila saka pulutan. Pasado alas-dos na ng madaling araw ng napagkasunduan ng lahat na umalis na. Ang tatlong kasamahan ko ay nilabas ng tatlong kaibigan ni Christian. Kami lang dalawa ang natira sa tapat ng club habang tanaw namin silang anim na papalayo.  'Mauna na ako Liberty. Salamat for joining us ng mga kaibigan ko tonight.' may dinukot siya sa wallet niya. 'Eto tip ko for you for accompanying me tonight. Pasensya ka na ulit dahil sa tinanggihan kita.' tinanggap ko ang isang libo na inabot niya.  'Wala yun Christian. Salamat rito sa tip mo.' tumalikod na siya ng tawagin ko siya ulit.  'Bakit?' takang tanong niya. Mula sa bulsa ng shorts ko ay inabot ko sa kanya ang calling card ko.  'Kung gusto mo ng kakwentuhan o kausap man lang o kainuman, baka sakali lang ba. Tawagan mo lang ako. Kahit anong oras. O kung sakali lang rin na magbago ang pananaw mo at maisipan mong makipaglaro sa akin, tawagan mo ako Christian.' alanganin siyang kunin ang calling card ko. 'Sige na kunin mo na.' isinuksok ko ito sa bulsa ng pantalon niya. Naamoy ko na naman ang hindi pa rin nawawalang bango ng pabango niya. At dahil sa malapit lang ako sa kanya, hindi ko mapigilan ang sarili kong halikan siya sa may pisngi niya. 'Happy Birthday Christian. Sana hindi pa ito ang huli nating pagkikita na dalawa. Ingat ka pauwi mo. Bye.' bulong ko sa tenga niya bago tuluyan dumistansya sa kanya. Namula na naman siya na ikinatawa ko ng malakas. 'Ang cute mo tuwing namumula ka Christian. Hahahaha! Crush na kita! Promise!'  'Hahahaha! Sige una na ako Liberty, salamat ulit.' kumaway muna siya sa akin bago naglakad palayo papunta sa parking lot.  Wala na si Christian sa paningin ko pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko. Kakaiba si Christian sa mga lalaking nakasalamuha ko na sa club na ito mula pa noong una. Nakakatuwa lang talagang isipin na may mga kagaya parin pala niya sa mundong ibabaw. Napaka-swerte talaga ng girlfriend niya sa kanya. Napaka-swerte talaga dahil palay na nga ang lumalapit rito pero nakuha parin niyang tanggihan. Nakanti niya ng bahagya ang ego ko sa pagtanggi niya sa akin na unang beses nangyari sa tanang buhay ko dito sa club pero mas malaki ang paghanga ko sa pinakita niyang kabaitan at sa pagiging tapat niya sa girlfriend niya. Bagay na hindi pangkaraniwan sa mga lalaki ngayon.  Ako kaya? Kailan kaya ako makakatagpo ng kagaya ni Christian na tapat sa girlfriend niya at mabait pa? Na hindi mapagsamantala kahit pa babae na mismo ang nang-aakit sa kanya? Nailing akong pumasok sa loob ng club.  'O Liberty! Hindi ka nilabas ni Mr. Gwapito?’ tanong ni Mommy A sa akin nang makapasok ako sa loob.  'Hindi Mommy A eh. Takot sa girlfriend. Hahahahaha!'  'So itlog ka ngayong gabi?'  'Malamang nga Mommy A. Nganga si Liberty ngayon gabi. Ayos narin para makauwi ng maaga at magpahinga ng matagal. May regular customer na naman ako bukas. Uwi na ako Mommy A! Una na ako sa inyo.' nilagpasan ko na siya saka tinungo ang dressing room para makuha ang bag ko.  ------,--'-,--{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD