Chapter 91 Ngayon ang araw na pinakahihintay ko sa buong buhay ko. Ngayon ang araw ng pag-iisang dibdib ko sa lalaking tanging minahal ng puso ko. Ang lalaki na bumihag sa akin at nagpa-gulo hindi lang ng isip ko kung hindi maging ng sistema ko. Habang nag-aayos ako sa harap ng salamin dito sa bahay na binigay sa akin ni Francis ay hindi ko maiwasan na magbalik tanaw sa nakaraan. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na sariwain muli ang mga pinagdaanan ko buhay magmula ng mag-krus ang landas namin ni Christian sa Sextra Hot Club. Hindi ko mapigilan na matawa mag-isa ng maalala ko kung gaano kailap sa akin si Christian noon. Na parang bang may sakit akong ketong kung iwasan niya na madikit ang katawan ko sa kanya at kung paano mamula na parang kamatis sa mukha niya saka tenga ng gawaran ko s

