Chapter 4
Tatlong buwan na ang matulin na nakalipas. Wala naman bago sa mga kaganapan sa buhay ko, ganun parin na gabi-gabi akong pumasok sa club para kumita. Ngayon ang schedule ng medical check up namin ng mga kasamahan ko sa club, kada ika-tatlong buwan talaga ay sinisigurado ng management ng Sextra Hot Club na makapag pa-injectable contraceptives kami para iwas buntis at sinasabay narin dun ang pag-check sa amin kung may sakit ba kami o ano. Iniiwasan rin kasi ng may-ari na makasuhan siya sa paglabag sa pinirmahan niyang kasunduan sa munisipyo at para rin daw malinis ang mga call girls niya at walang masabi ang mga customers. May isang clinic kaming pinupuntahan kung saan ay kinontrata na talaga ng may-ari para sa amin. Kasalukuyang akong naghihintay sa pila, dalawa pa bago ako kaya nagbasa muna ako ng magazine. Makalipas ang halos isang oras ay tinawag na ang pangalan ko. Sa tagal ko sa trabahong ito at sa dalas na namin dito ay kilala na kami ng doctor na tumitingin sa amin. Makalipas ang hindi hihigit sa trenta minutos ay tapos na ako.
'Talaga bang hindi niyo ako sasamahan Tanya? Eh ikaw Mylene?' tanong ko sa dalawa ng makalabas na kami ng clinic.
'May ibang lakad ako ngayon Liberty, magkikita kami ng boyfriend ko kasi.' sagot sa akin ni Mylene.
'Gusto sana kitang kasamahan Liberty ang kaso ay pinapabalik agad ako ni Nanay sa bahay. Pasensya na ha.' tinapik ni Tanya ang balikat ako.
'Ayos lang. May bibilhin lang naman ako sa mall pagkatapos ay uuwi na rin naman ako. Sige na, kita na lang tayo mamaya sa club. Ingat kayo pauwi niyo.'
'Ikaw rin Liberty.' sabay na sabi pa nila bago pa kumaway sa akin.
Naglakad na ako papunta sa sakayan ng jeep para makapunta na sa mall. May kailangan kasi si Liezel na libro na project nila sa school, eh dahil sa may pasok siya ay hindi niya ito maasikaso kaya ako na ang nagprisinta tutal naman ay lalabas narin lang ako. Pagdating ng mall ay kumain muna ako sa isang fast food dahil alas-tres na ng hapon, matapos kumain ay kaagad na akong nagpunta sa bookstore. Isang classic literature ang libro na hahanapin ko, pero sa dami ng mga librong naririto ay hindi ko malaman kung alin dito ang dapat kong bilhin. Mabuti na lang ay may isang staff na tumulong sa akin makalipas ang halos isang oras kong paghahanap. Maaga pa naman bago ang pasok ko sa club kaya dumaan narin ako sa grocery para makabili ng mga pangangailangan namin sa bahay at stocks narin. Pasado alas-sais na nang makalabas ako ng mall, papa-gabi na kaya nag-madali na akong maglakad papunta sa sakayan ng jeep.
'Miss pwedeng magpakilala sayo?' nilingon ko ang isang lalaki na nakatayo sa tagiliran ko pero pagkaraan ay inalisan ko rin ito ng tingin. 'Ang snob mo naman Miss, nakikipag-kilala lang ako.'
'Pasensya na nagmamadali ako.' seryoso kong turan habang nag-aabang ng jeep. Kung kailan naman ako nagmamadali ay saka naman walang jeep na naghihintay ng pasahero ngayon.
'Tulungan na kita sa mga bitbit mo Miss.' hindi ko na siya pinansin pa saka umusog ng kaunti palayo sa kanya. Mataas ang lalaki at may kalakihan ng katawan, naka-cap ito. Napansin ko na umusog din siya palapit sa akin. Kinabahan na ako ng may napansin ako na kinuha niya sa bulsa niya. 'Holdap to Miss. Sensya ka na matinding pangangailangan lang.' napabuntong-hininga ako. Sa karamihan naman ng mapwestuhan ko para mag-abang ng jeep ay dito pa ako nadako sa walang tao at kami lang ng lalaking ito. Napailing ako ng wala sa oras.
'Kuya, wala kang hoholdapin sa akin. Wala rin akong pera. Parehas lang tayong mahirap. Sa squatter lang ako nakatira. Baka nga mahirap pa ako sayo Kuya.' sagot ko sa lalaki pagkatapos ko siyang tingnan at ang hawak-hawak niyang lanseta.
Nilakasan ko lang ang loob ko pero ang totoo ay kinakabahan ako ngayon. Bigla kong naisip ang mga kapatid ko. Isang tarak lang ng lanseta na hawak ng lalaking ito ay pihadong malaking pera ang lalabas sa ipon ko para magpagamot ako, o ang malala pa ay baka maging mitsa pa ito ng buhay ko. Paano na lang ang mga kapatid ko kung sakali? Paano na lang ang pag-aaral nila kung sakaling may mangyaring masama sa akin? Luminga-linga ako sa paligid ko sa pag-baka sakaling may nakita akong tao na pwede kong hingan ng tulong pero sa kasamaang palad ay wala akong nakita ni isa. Maingat kong binaba ang mga bitbit kong plastic bags saka muling tumingin sa lalaki. Kinakalkula ko kung kakayanin ko ba ang laki niya kung sakaling sunggaban niya ako. Kung ano man ang susunod na mangyayari ay hindi ako makakapayag na makuha ng lalaking ito ang natitirang perang dala ko, pinaghirapan ko ito at para sa mga kapatid ko ito. Lalaban ako kahit pa masugatan ako huwag lang natangay ang pera na nasa loob ng body bag ko.
'Huwag mo nang tangkain pang tumakbo Miss, mahahabol at mahahabol kita. Kung ako sa'yo ay kusa mo ng ibigay sa akin ang pera mo jan para hindi magalusan ang balat mong makinis. Pera lang ang kailangan ko Miss, may sakit lang ang anak ko. Kailangan ko lang talaga, pasensya ka na.' dinikit nito ng bahagya ang lanseta na hawak, naramdaman ko ang tulis nito sa loob ng blouse ko. Patay na. Wala talagang pinipiling oras ang kamalasan.
Diyos ko po. Alam kong bihira akong tumawag sa inyo pero tulungan niyo po ako ngayon. Kahit anong tulong po huwag lang nawala ang perang pinaghirapan ko para sa mga kapatid ko. Parang awa niyo na Diyos ko, iligtas nyo po ako sa taong ito. Ayaw ko pa pong mamatay dahil wala ng titingin at tutulong sa mga kapatid ko. Iligtas nyo po ako Lord.
'Naiintindihan kita Kuya sa sitwasyon mo, pero mas malala ang kalagayan ko sa'yo Kuya. Iba na lang ang holdapin mo Kuya, huwag na lang ako please. Walang-wala rin talaga ako. Mahirap pa ako sa daga Kuya. Kung alam mo lang ang sitwasyon ko at ng mga kapatid ko ngayon, baka ikaw pa ang maawa sa akin.' pangangatwiran ko sa kanya. Pinapahaba ko ang oras para baka may makakita sa amin dito o baka makatakbo pa ako at makapunta sa may tao na pwede kong mahingian ng tulong.
'Akin na ang bag mo Miss para hindi ko itarak ang lanseta na ito at sapilitan na kunin sa'yo ang bag mo. Ayaw kitang saktan Miss dahil pera lang talaga ang habol ko sa'yo, pero huwag mo akong pilitin na saksakin ka.' matigas na sabi niya. Pinanlalamigan na ako ng katawan dahil mas diniin pa niya ng bahagya ang lanseta. Kung mamalasin ka nga naman talaga Liberty. Ano ba naman buhay ito?
---
Naglakad na ako para makapunta sa parking lot, I just get out of the mall kung saan ay bumili ako ng dinner namin ni Caroline. I will go at her apartment now dahil usapan namin na we will have dinner there tonight. I was about to step forward nang may nahagip ang mga mata ko. Sa isang waiting shed where two people are standing, isang lalaki at isang babae na mukhang nag-aabang ng jeepney. Dahil hindi naman kalayuan ang waiting shed ay medyo naaninag ko ang mukha ng babae. Inisip ko muna kung kilala ko ba siya because her face seems to be familiar to me at parang nakita ko na siya noon. I am having second thoughts kung lalapitan ko ba siya or hindi na dahil nga alam kong hinihintay na ako ni Caroline sa apartment niya, pero nang makita kong pwersahan na hilahin ng lalaki ang bag ng babae ay mabilis na gumana ang isip ko. I know that something bad is happening there right now and the woman needs help. I quickly left the paper bag I am carrying on the ground and swiftly run to where they are without making any sound. Nang makalapit ako without being notice ay narinig ko ang pakiusap ng babae.
'Kuya... Please Kuya huwag mo ng kunin ang bag ko please... Wala akong pera Kuya... Maawa ka naman sa akin... Mahirap lang ako...' she resisted in handing her bag. Kinabahan ako because I saw a sharp object being pointed at her side and any moment ay pwedeng isaksak ito ng holdaper sa tagiliran niya kapag hindi pa niya binigay ang bag niya dito.
Without even thinking ay mabilis kong sinipa ang kamay ng lalaki na may hawak ng patalim saka binigyan siya ng isang malakas na suntok sa panga that made him stumble on the ground. Napatili naman ang babae saka mabilis na sumigaw ng saklolo while I immediately held the knife na nabitawan ng holdaper. Dahil na rin siguro sa mga boses na narinig namin sa paligid ay nataranta ang holdaper saka mabilis na tumakbo palayo sa amin, leaving us ng babae sa waiting shed.
'Are you okay Miss?' mabilis siyang tumingin sa akin with tears in her eyes saka patakbo na yumakap sa akin. I held her in my arms as she cry hard. 'Don't worry Miss, you are safe now. Tumakbo na yung holdaper, ligtas ka na Miss.'
'Salamat Kuya! Salamat dumating ka!' iyak parin siya ng iyak at nanginginig pa rin ang buong katawan niya. Naawa naman ako sa kalagayan niya, she is so helpless and afraid.
'You are safe now Miss. No need to worry. May masakit ba sa'yo? Nasaktan ka ba?' I am also worried about her condition dahil baka napuruhan siya ng hawak ng holdaper.
'Hindi Kuya! Mabuti na lang dumating ka kaagad! Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali!' nag-angat siya ng mukha niya at ganun na lang ang pagkagulat niya ng makita at makilala niya ako. 'C-Christian G-Grey?' napangiti naman ako sa sinabi niya. I've remembered her calling me Christian Grey that night on my birthday at the club where she works. 'Ikaw nga! Ikaw nga! Christian Grey!' she quickly wraps her arms around me again and hug me tighter. 'Huy salamat niligtas mo ako sa tarantadong yun! Salamat talaga Christian Grey! Utang ko sa'yo ang buhay ko! Maraming salamat talaga! Thank you ng sobra talaga!'
'Next time wag kang mag-aabang sa mga walang tao ng jeepney. Delikado lalo pa ay madilim na tapos babae ka and you are all by yourself. Ano na lang ang nangyari sayo kung hindi kita nakita kaagad kanina? Baka na paano ka na kung hindi ako nakarating in time. Saka kapag ganyan ay ibigay mo na kaagad ang bag mo lalo pa that man is holding a knife, pera lang yan. Mas mahalaga ang safety mo at ang buhay mo.' I felt her leaning her head even closer at my chest. Naramdaman ko rin na kumalma na ang radical beating ng heart nya and even her body lessen its shaking hindi kagaya kanina. Maya-maya pa ay kumalas na siya ng yakap sa akin then she immediately arrange her slightly disorganized hair.
'Salamat ulit Christian Grey dahil sa pagligtas mo sa akin. Salamat ulit ng marami.' she smile sweetly at me that somehow accidentally touch a pinch inside my inner self. I smile back at her in return. 'Naku! Kailangan ko nang makauwi! Papasok pa ako sa club ngayon!'
'Ihahatid na kita sa inyo.' nagulat rin ako sa sinabi ko kagaya nang pagkagulat ng expression niya ngayon. 'I can't let you go home alone, especially after what had just happened to you here. Hindi ako mapakali if nakarating ka na ba ng safe sa inyo. So I insist on taking you home.' bago pa siya makasagot ay kinuha ko na ang mga plastic bags na nasa ground and carry it for her.
'Pero kasi, ano eh.'
'Please Liberty, let me take you home. I insist please. Para mapanatag ako na safe kang makakauwi. If you really don't like me to see where you live, then kahit baba na lang kita dun malapit sa inyo. At least kampante ako na maayos ka na talaga na makakauwi.'
'Okay sige.'
---
Hinatid nga ako ni Christian Grey sa may kanto namin. Hindi ko matandaan ang buong pangalan niya kaya Christian Grey na lang ang tinatawag ko sa kanya na hindi naman niya tinututulan. Hindi ko na siya pinapasok pa sa looban ng kalsada namin dahil makipot rin naman ang daraanan saka baka matipuhan pa ang sasakyan niya, sayang naman baka magalusan o mabawasan. Mukhang mamahalin pa naman.
'Salamat ulit Christian Grey sa pagtulong mo sa akin ha. Saka sa paghatid mo sa akin dito.' nginitian ko ulit siya.
'Kahit naman siguro sino ay ganun rin ang gagawin Liberty, nagkataon lang that I was there that time siguro.' sagot niya pabalik. Bago ko pa buksan ang pinto ay tinitigan ko muna siya na ngayon ko na lang ulit ginawa mula nang gabi ng birthday niya. Gwapo talaga siya at tama nga ako na mabait siyang tao dahil hindi naman niya ako kilala talaga pero tinaya niya ang buhay niya sa akin. Mas lalo siyang naging gwapo sa paningin ko dahil sa ugali niyang yun, mas lalo tuloy akong humanga sa kanya. Nang lingunin niya ako ay agad akong nag-iwas ng tingin saka binuksan ang pinto ng sasakyan. Pero bago pa ako makalabas ay mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi na ikinagulat pa niya. Napangiti pa ako nang hawakan niya ang pisngi niya na hinalikan ko.
'Bayad ko sa pagsagip mo sa akin Christian Grey. Thank you ulit ng marami. Hinding-hindi ko makakalimutan ang kabutihan mo sa akin. Thank you talaga ng maraming-marami.' kumaway pa ako sa kanya bago ko tuluyang isara ang pinto saka humakbang palayo. Matagal pa bago niya ito pinaandar, nanatili lang siya nakatingin sa akin at nakangiti rin. Natanaw ko pa siyang kumaway sa loob bago tuluyang pinaandar palayo ang sasakyan niya.
Habang naglalakad ako papunta sa bahay namin ay hindi mawala sa isip ko si Christian Grey at ang kabutihan ng loob niya. Totoong mabuti siyang tao dahil sino ba naman ako para tulungan niya at para ibuwis niya ang buhay niya sa kamay ng holdaper na yun. Hindi totoong lahat ay gagawin ang ginawa niya dahil ang iba ay hindi papayag na itaya ang sariling buhay para sa kapwa nila. Syempre ay iisipin rin nila ay ang kaligtasan nila bago ang iba. Nakakatuwang isipin na may mga ilang tao pa rin talagang may ginintuang puso na handang itaya ang sariling buhay para sa kapwa nila. Nang makarating ng bahay ay napag-desisyunan kong huwag na muna pumasok ngayong gabi, tutal naman ay hawak naman namin ang mga schedules namin sa club. Mas minabuti ko na magluto na lang ng hapunan namin magkapatid at pagkatapos namin kumain ay naligo ako saka nahiga. Pero ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin ako dalawin ng antok, bumangon ako saka tumambay sa may pinto namin habang naninigarilyo.
'Napaka-swerte talaga ng girlfriend mo sayo. Siguro ay proud na proud sya sayo at mahal na mahal ka niya. Gwapo ka na tapos ay mayaman ka pa, saka mabait pa at loyal ka pa sa kanya. Malamang ay patay na patay sa'yo ang girlfriend mo, ang swerte-swerte niya na nakilala ka niya. Sana ay may dumating rin sa buhay ko na kagaya mo balang-araw Christian.' paulit-ulit sa tumatakbo isip ko ang mga nangyari sa akin kanina habang humihitit ako ng sigarilyo. Kung hindi dahil sa kanya ay malamang nasa ospital ako ngayon o mas malala ay baka nasa morgue na ako sa mga oras na ito. Hindi maalis sa isip ko ang mukha ng mabait at gwapong tagapagligtas ko, napangiti pa ako mag-isa dahil natatandaan pa rin niya ang pangalan ko. Ang aking bagong knight in shining armour, ang superhero ko na si Christian Grey.
------,--'-,--{@