Chapter 14

1138 Words
MEIZZY POV "Anyare sayo?bat antok na antok ka?" Kunot noong tanong ko kay Elise,kanina pa kasi siyang ganyan hindi makausap ng maayos kasi antok na antok. "Hindi ako nakatulog kagabi" sagot niya habang humihikab "Bat naman" tanong naman ni Agatha "Umamin ka nga samin,nagda drugs ka noh?!" Dagdag pa ni Vash Nainis si Elise kaya agad niyang binato ng plstic bottles yung mokong. "Gag*,hindi ako nagdadrugs" sagot ni Elise "E bat sabi mo hindi ka nakatulog?" Dugtong naman ni Julie "Binangungot kasi ako kagabi,may gusto gumahasa sakin" sagot niya "What sino?" Nagaalaang tanong ni Agatha "Hindi ko alam,hindi ko naaaninag yung mukha niya" Elise said "Yeah,ganun talaga kapag nananaginip ka or binabangungot minsan hindi mo makikita yung mukha nang taong nasa panaginip mo.Pero magiingat ka Elise,baka sign na yun na dapat kang magingat" paliwanag ko "Creepy naman nun,yan mag lucid dream kapa" Julie said "Baka imbis na sa panaginip ka mapunta,dumeretcho kana sa langit" nakangising wika ni Vash "Hindi ka nakakatulong manyak" Inis na wika ni Julie "Sinong manyak?ako?bakit ni r**e ba kita?" Nakangising wika ni Vash "Aba gag* ka talaga e noh" sabi ni Julie sabay irap "Chill babe,paghahandaan ko yang panggagahasa ko sayo" sabi ni Vash sabay smirk "In your f*****g dreams" Julie said Hayst,nag-aalala ako kay Elise,nakakaranas na siya ng mga nightmares and hindi ko alam kung ano pang pwede niyang maranasan kapag tinuloy pa niya yung lucid dream f**k! ELISE POV Nang tumunog ang bell ay agad na akong bumaba,alam kong nandun na sila at alam ko rin na may pinagdadaanan si Agatha kaya mainam kung makakausap ko siya. "Hey guys" bungad ko sa kanila Bumati pabalik sila Vash at Julie pero the rest tahimik lang,akala ko magiging okay na sila Agatha but I was wrong kasi habang kumakain ay sobrang awkward ng situation. "May kasabay ka mamaya babe?" Pambasag katahimikan ni Vash "Dont call me babe,hindi kita jowa!" Inis sagot ni Julie "Okay fine,how's your day honey?" Nakangising wika ni mokong "What the f**k!stop calling me that way!" Julie said "Kamusta kayo?" Nagulat kami ng biglang magtanong si Khaser "Oks naman,eto habulin pa rin" sagot ni Vash sabay smirk,puro talaga kagag*han yung mokong na yun. "Im fine,still pretty" sagot naman ni Julie "Okay lang,medyo pagod" sagot ko naman "Im happy kasi laging mataas yung scores ko sa mga quiz" sagot naman ni Meizzy Sumagot kaming lahat maliban kay Agatha,she remain silent while eating her soup.Naaawa ako sa kanya kasi malakas yung impact ng rejection na ginawa ni Khaser pero wala naman kaming magagawa,desisyon niya yun. "How about you Agatha" nagulat kami ng tanungin ni Khaser si Agatha But Agatha remain silent,parang hindi niya narinig yung sinabi ni Khaser. "Hey Agatha Im-" hindi na natapos yung sasabihin ni Khaser ng biglang tumayo si Agatha "I'll go ahead,wala na kong gana" Agatha said at agad umalis. What the f**k,parang hindi na siya yung Agatha na kaibigan namin lagi na siyang tahimik at laging namumugto ang mata,she feels so hopeless. ------------------ Naglalakad na kami ni Meizzy ng mapansin ko ang pamilyang masayang naglalaro sa playground,bakas sa mukha ng anak nila ang saya na ni minsan ay hindi ko naramdaman,saglit ko pa silang tinitigan masayang-masaya sila sabay silang kumakain,naglalaro,at nagkukwentuhan.I dreamed that someday maranasan ko rin yan pero hanggang pangarap na lang yun. "Hey Elise,nakatulala kana naman" nabalik ako sa ulirat ng magsalita si Meizzy "So-sorry tara na" I said Nang makarating ako sa bahay ay kumain muna ako,nauna na daw maghapunan sila papa kasi gutom na sila kaya magisa akong kumain sa sala.Pagkatapos kong kumain ay hinugasan kona ang mga pinggan at agad umakyat. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama, "grabe,parang pagod na pagod ako ngayong araw na to" bulong ko sa sarili ko bumigat ang talukap ng mga mata ko at tuluyan ng nilamon ng antok. "Elise,gising na aalis na tayo" naalimpungatan ako ng makitang nagbibihis si papa "Papa saan tayo pupunta?" Tanong ko "Pupunta tayo sa park,bumaba kana hinihintay kana ng mama mo" sambit niya Bigla nakong nabingi sa sinabi nito "Mama?" Tanong ko pa "oo nasa baba ang mama mo,hinihintay kana niya" sambit ni papa Nalilito man ay agad akong bumaba upang makita kung nandoon nga si mama,at tama ako naabutan ko siyang naghahanda ng mga pagkain. "Anak kain na,ipinagluto kita ng paborito mong Adobo" nakangiting wika niya Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko totoo ba to?nandito si mama? Walang alinlangan kong niyakap si mama,sobrang tagal kong hinintay sandaling ito ang mahagkan ang aking ina. Pagkatapos naming kumain ay agad kaming pumunta sa park,samu't saring tawanan ng mga bata ang maririnig dito.Agad akong nagtungo isang table at hinanda ang mga pagkain "anak,maglaro kana" nakangiting wika ni mama "malaki na po ako,hindi na ako bata para maglaro" natatawang wika ko "pero ikaw pa rin ang baby namin" nakangiting wika ni papa Pagkatapos naming pumuntang park ay dumeretcho kami sa simbahan,nagdasal kami kasi magkakasama na ulit kami "jesus christ,thankyou for this blessing you gave to me masayang masaya ako kasi nakasama ko yung pamilya ko.Sana hindi na ulit umalis si mama,sana dito na lang siya sa lupa,pasensya na po sa mga kasalanan ko sana mapatawad nyo ko,Amen" pagkatapos naming magdasal ay agad kaming pumunta sa likod ng simbahan upang mag wish sa wishing well. "Sana maging masaya ang magina ko sa araw na ito,sana rin walang mangyaring masama sa kanila" wish ni papa,sunod namang humiling si mama "masayang masaya ako na nakasama ko ang pamilya ko sa araw na ito,sana walang mangyaring masama sa kanila,patatagin nyo ang loob nila upang labanan ang lahat ng pagsubok sa buhay" pagkatapos nilang mag wish ay humiling na rin ako "wala na po akong ibang maihihiling pa kundi ang makasama sila,sana po walang masamang mangyari sa kanila at sana palagi kaming masaya" pagkatapos kong humiling ay agad kong ibinato yung limang pisong hawak ko "Mahal na mahal ko kayo,magiingat kayo palagi,hindi naman ako mawawala kasi lagi lang akong nasa puso ninyo.Paalam baby Elise" mga katagang iniwan ni mama bago ako maalimpungatan. *ting *ting *ting Nagising ako nang marinig na tumunog na ang alarm clock,hindi ako makapaniwalang panaginip yun akala ko totoong bumalik si mama pero nagkamali ako.Hanggang sa panaginip kona lang talaga siya makakasama at kailangan kong tanggapin iyon. "Mahal kita mama,wag kang mag alala someday maipagmamalaki mo rin ako.Not now but soon" sambit ko at hindi na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha Isa yun sa mga panaginip, panaginip na ayoko nang gumising...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD