Chapter 3

907 Words
"Ikaw ano ba gusto mo? Ililibing o ikicrimate?" Sarcastikong sagot ko kay Maggie "Pffft! sagot ko na kabaong" "Sagot kona lapida" "Ako na bahala sa burol" Kanya-kanyang komento nila at sabay sabay tumawa. Hayst! Sana lagi na lang kaming ganito kahit naman loka loka ang mga kapatid ko, mahal na mahal ko yan. They made me realize na kahit half sisters ko lang sila ay walang harang na pumapagitan sa aming samahan. Kinabukasan. Maaga akong gumising para tulungan si lola na maghanda nang almusal,wala namang pasok si papa at tita fiona. Sa company nagtatrabaho si tita Fiona,secretary sya. Si Papa naman assistant Chef, namana niya kay Lola yung hilig sa pagluluto. Bago bumaba ginawa ko muna ung daily routines ko tuwing weekends,maliligo tapos mageexercise bago bumaba. Passed 30 mins na rin nang mapagsiyahan kong bumaba. "Good morning Lola" Masayang bati ko "Oh bat ang aga mo naman gumising?Dapat nagpapahinga ka pa" Sagot nito "Gusto ko po kasing tumulong sa inyo,next week pasukan na kaya magiging busy nako." I said "Oh siya sige na, ilagay mona ito sa lamesa at tawagin mona ang mga kapatid mo" Pagsuko niya. Ngumiti naman ako at dinala ang mga pagkain sa lamesa. "hariette" "maggie! Bumaba na kayo kakain na!" Sigaw ko Agad namang bumaba si Hariette kasunod nila Papa. "Nasan na yung kapatid mo?" tita Fiona asked "Pababa na po" Hariette answered Speaking off...ayun na yung bunso kong kapatid pababa sa hagdan,antok na antok pa at g**o-g**o ang buhok. "Yuck! Kadiri ka maggie may panis na laway kapa" Nandidiring sambit nitong isa "Malamang natulog ako,natural lang yan palibhasa dika natutulog" inis na sagot niya "So anong tingin mong ginawa ko magdamag kung hindi ako natulog? What I mean is sana man lang nagmumog ka or naghilamos! Napaka dugyot mo talaga" "Tumigil na nga kayo,pati mga walang kwentang bagay pinagtatalunan nyo pa" pagaawat ko after an hour napag utusan kami ni Maggie na mamalengke,nakasanayan na rin namin Ito kaya pumayag na 'ko. Andito na kami sa court,pauwi na kami ng mag aya si Maggie. "Ate nood tayo basketball" pag aya niya habang patalon talon "Wag na, anong oras na" sagot ko "tsk...sige na sandali lang naman,maraming pogi dun" Nakangiting pangungulit niya "Anong oras na, hahanapin na tayo nila Papa" "Ano ba yan! Andun pa naman si Matt" Sabay talikod Sandali akong napahinto nang marinig Kong nandun si Matt,matagal-tagal na rin kaming Hindi nagkikita kaya chance ko na 'to. "Tara nood na tayo" Nakangiting wika ko "Akala koba ayaw mo?" Kunot noong tanong niya "Sandali lang naman,tsaka titignan ko lang si Matt" at ngumiti nang pagkalawak-lawak. MAGGIE POV Nandito na kami sa court habang si Ate naman ay ngiting-ngiti na nakatingin kay Matt. By the way,he is Matt Anderson 17 yrs old. Nakatira siya dito sa katabi naming subdivision,mayaman siya tsaka gwapo. Basketball player siya nang school at kung makakapasa si Ate sa exam, magiging schoolmates sila ni Matt kasi dun din siya nagaaral. Ilang minuto Ang nakalipas at umuwi na rin kami kasi snob lang ni Matt si Ate,pero si gaga tuwang tuwa pa. Buo na raw ang araw niya kasi nakita niya si Matt. Hayst! ELISE POV Grabe kinikilig talaga ako kanina nung pasimpleng sumusulyap sakin si Matt,kahit di niya ko pinapansin nang deretcho ay masaya na ako. Kung gusto niyo malaman kung bakit crush ko si Matt ay dahil kababata ko siya,lagi niya akong pinagtatanggol noon. Kaso lumipat sila sa US kaya nawalan na kami ng communication. -flashback- "Oyyy Elise bakit ka umiiyak? Tanong ni Matt "Wala,napuwing lang" Pagsisinungaling ko dahil ang totoo ay tinulak ako nila Robert kanina kaya nadapa ako. "Bat may sugat ka sa tuhod? Sino gumawa sayo niyan?" Nag aalalang tanong niya "Wala nadapa lang ako" "Sila Robert Ang may gawa niyan sayo noh? Umamin ka Elise?!" Inis na sambit niya "Hayaan mona sila" Sagot ko Bigla naman dumating sila Robert kasama yung mga kaibigan niya. "Oh buti nakakapaglakad kapa pagkatapos kitang itulak" Natatawang sabi ni Robert. "Sabi kona nga ba, ikaw ang gumawa nito sa besprend ko" Sagot ni Matt "Oh bakit papalag ka?" Paghahamon ni Robert Hindi na sumagot si Matt at agad na sinuntok si Robert na ikinagulat ko. "Sa susunod na saktan mo ang besprend ko,hindi lang yan ang makukuha mo" galit na galit sabi niya "Matt tama na,wag mona sila patulan" Pag aawat ko,agad naman tumakbo paalis sila Robert kasama ang mga kaibigan niya,natakot siguro. "Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" at agad sinuri Kung may sugat ba 'ko "Okay lang ako,dapat kase di mo na pinatulan Yun" sagot ko "Pwede ba yun? Kaibigan kita kaya di 'ko hahayaang may manakit sayo. Hanggat nandito ako,ako Ang magiging tagapagligtas mo" Nakangiting sagot Niya -End of flashback- Days passed and here it goes,ngayon ko malalaman kung nakapasa ba ako sa exam kaya naman maaga akong gumising para mag asikaso. Katatapos ko lang magbihis nang biglang tumunog ang cellphone ko... 1 message from:agatha "Hey girl! Im here na sa school,I'll wait you at the cafeteria. Agad naman akong nagsapatos at bumaba,hindi nako nagtext kasi wala na akong load. "Good morning papa,alis na po ako" Nagmamadaling sabi ko "Kumain ka muna" sagot ni Papa "Wag na po,nagmamadali po kasi ako. Babye po!" at agad nang tumakbo palabas
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD