Habang pinagtutulungan ng mga doctor and staff si Lorraine, napasulyap ang umiiyak na ina ni Lorraine sa dalagang umiiyak na si Venice katabi ang kapatid na si Barbara. Hinimas himas ang likuran nito upang iparamdam dito na okay lang ang lahat na makakaligtas ang kaibigan. "Tita, this is all my fault huhuhu. Sana po hindi ko muna siya iniwan. Baka po wala tayo dito ngayon."ang humihikbing wika ni Venice. "Hindi mo kasalanan iha. Pero gusto ko lang itanong sayo kung anong nangyari..." "Nag-uusap po kami then maya maya lang po may kumatok din nakita ko sa may door ang kanyang boss si Hellie Smith po." "Si Helliana? Pero nasaan siya?" "Did she fire my daughter?" Tanong ng ama ni Lorraine. Kumunot ang noo nito. "I need to find the truth."kuyom ang mga kamay nito. "Mahal, kausapin mo siya

