Iyon ang sekretong hindi ko sinabi kahit kanino. I kept it to myself for a very long time. Ayokong ma judge ng kahit na sino. Baka sabihin nila ang gaga gaga ko. Ang tanga tanga ko. Hmm, wala eh. Then napag alaman ko na niloko pala siya nung babaeng kasama niyang kalaro isang gabing nahuli ko sila sa kwarto. At dahil sa sobrang galit niya sa babae at iniwan siya nito para sa iba, sa akin niya ibinaling ang kanyang galit. Ako ang nagbayad, ako ang nagdusa, ako ang tumanggap sa pagkakasala ng iba.
Pumasok ako sa eskwelahan na parang nakalutang. Hindi pumapasok sa utak ko ang mga lessons kaya bumaba ang mga grades ko. Pinatawag ako ng dean at school adviser namin para makausap ako. They even asked me to bring my parents pero sabi ko nasa ibang bansa. Kaya bumawi ako, nag-aral ako at kumuha ng exams. I'm glad nabawi ko naman yun. To the rescue naman ang mga kaibigan ko from other department. Kahit sila nagtataka sa mga nangyayari sa akin. Pero hindi ko masabi sa kanila ang mga pinag daanan ko. They might judge me for being stupid. Or they'll ask me to leave Venz and move on with my life. Pero naisip ko, I don't think leaving Venz is the answer para magbago siya, or for her to see my worth. Hindi siya ganun. Instead ikatuwa pa niya yun. I'll just wait for the time na pagsawaan na niya ako at palayasin.
Ilang beses din siyang parang bolang naglaho bigla. Dahil sa kanila ako natutulog, i've waited everynight,everyday, every hour. Hindi ko alam kung nasaan siya. I asked her barkada pero wala silang kaalam alam. Wala na kasi si Jade that time kaya wala akong makausap. Tumatambay na lamang ako sa library during free time. Then papasok sa klase ko. Tapos uuwi sa bahay niya. Para na kaming mag asawa at our very young age. Natuto akong maglinis, maglaba, magluto, yung tipong wife lang ang peg. Na pag uwi ng iyong hubby, may niluto ka na, malinis pa ang bahay at nakahanda na ang isusuot niyang jammies at isusuot the following day. Ganun lang naman ang ginawa ko habang wala siya at umaasa na isang araw babalik siya at Hanggang sa mabalitaan ko na bumalik na nga siya. Sobra akong natuwa.
Umuwi ako kaagad sa bahay niya dahil gusto ko siyang makita. I missed her very much. Pagkapark ko ng sasakyan, tinakbo ko agad ang front door. And there she is, peacefully sleeping at the couch. Nilapitan ko siya and when i touched her forehead, s**t! she's burning hot because of fever. Nagpanic ako, hindi ko alam kung alin ang una kong gagawin kaya I took a very deep breathe at saka ibinuga. Takbo ako sa kitchen para kumuha ng maligamgam na tubig at clean cloth saka pinunasan ko siya. Patakbo ako sa taas para ikuha siya ng maisusuot, then grabbed meds from her medicine kit at pinilit siyang pinainom. Kahit may kabigatan si Venz, i tried myself to bring her upstairs at doon she can fully rest until she recover and get better. Gumawa ako ng soup para kapag ginutom siya may kakainin siya. That's what I learned from my mom and now here I am happily doing it to her. Ganun di ba, kapag mahal mo ang pinagalayan mo ng ganung mga bagay kahit gaano kahirap at ka komplikado balewala sayo. Wala akong tulog buong gabi kasi natatakot ako na baka tumaas ang lagnat niya at makaidlip ako. So I'd rather to stay awake.
Ang saya saya ko nung gumaling na siya. Pinaghanda ko siya ng breakfast. Lahat yun favorite niya. Nasa table na ako and waiting for her, and nakita ko siyang bumababa sa stairs.
"Good morning babe! Pinaghanda kita ng breakfast mo. Kumain ka muna bago ka pumunta sa pupuntahan mo." I was smiling widely at her. Pero she just gave me an evil glare. Kinuha ang susi ng car at umalis while slamming the door. I sat down on our dining table at malungkot na tinignan ang mga niluto ko. Then naalala ko may exams pa pala ako that day kaya mabilis akong nagbihis at pumunta sa school para kumuha ng exams. Ito yung do or die kasi magulo ang utak ko. Bahala na kung papasa ako o hindi. No cheating as always. After ng exams, pumunta ako sa cafeteria para mag lunch and I heard a lot about Venz.
"My gosh I heard, may ibang babae daw si Venz. Doon na daw siya umuuwi. Grabe talaga siya. Ilang babae na ba ang pinagsabay sabay niya. Tanga na lang ang maniniwala sa kanya. Ganun siya ka ruthless sa babae. Wala siyang pakialam sayo as long as makuha niya ang kanyang gusto."
Hindi ko alam pero gusto kong sugurin yung babae na yun. Kahit nasasaktan ako sa mga pinagsasabi nila dahil sa pagiging babaero niya still I can't avoid not to get hurt especial I heard some bad comments about my girlfriend.
Napaiktad ako dahil sa boses na narinig ko. Si ex ko pala. Kasama ng kanyang bago din. After ng break up namin, we remained friends. Pero hindi kami ganun ka close. Then dumating din sila Sasha at Yashi. Ayun niyaya nila akong lumabas, nagpunta kami sa bar. Since hindi ko naman alam na kung nasaan si Venz at tapos na din ang exams ko ayun naisipan ko din mag enjoy kasama ng mga friends ko. Pagdating sa bar, uminom kami, at nagsidatingan pa ang ibang mga friends namin na sina Cloe at ang kambal. Si Jade lang ang kulang sa amin. Lumalim ang gabi at padami ng padami ang mga tao. Lasing na ako pero alam ko pa ang ginagawa ko. Habang nasa upuan ako at nag eenjoy habang pinapanood ang tropa, napalingon ako sa medyo may madilim na bahagi ng bar. Hindi ako maaring magkamali sa nakita ko. It was Venz making out with another woman. I got up and pumunta sa kanilang kinaroroonan.
"Having fun tonight huh Venz?" Nagulat sila pareho."Hoy ikaw babae iyang yakap yakap mong babae girlfriend ko yan for almost a year! Kung ayaw mong makalbo kita, lumayo layo ka na! Naintindihan mo!?"
"Is that true honey??? Pumatol ka sa boring na babaeng ito??" she got up at tinulak ako. Mabuti nalang nasa likod ko na sina Sasha at napigilan akong mapatumba. "Matagal na kaming nagsasama sa condo ko! Hindi mo ba alam yun?!"
Tiningnan ko si Venz pero ang demonyo nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin. Para bang natutuwa pa siya na nagawa niya yun sa akin after kong ibigay ang lahat lahat sa kanya ganito pa ang isusukli niya sa mga paghihirap ko. Kaya instead na dumapo ang mga palad ko kay Venz, doon ito dumapo sa babae niyang parang hipon. Pero ang mas ikinagulat ko, si Venz ang gumanti para sa babae niya. She slapped me.
"Don't you dare hurt her again Lori! Dahil hindi lang yan ang matitikman mo sa akin!"
"Venz?" iyon lang ang tanging nasabi ko sa sobrang pagkagulat habang sapo sapo ko ang pisngi kong natamaan ng kanyang sampal.
"Honey Venz, ang sakit ng pisngi ko." nakapout ang hipon at nagpapaawa kay Venz. At itong punyetang Venz kinomfort niya Si hipon kesa sa akin.
"Hoy hayop ka Venz! Wala kang karapatan na saktan si Lori. Demonyo ka! Makarma ka sana na walang magmamahal sayo ng tapat! Na hindi ka magiging masaya! Tandaan mo yan!" then hinila ako ni Sasha palabas ng bar kasunod ang mga tropa namin. Kaya walang katapusang sermon ang napala ko mula sa kanila. Kung kasama pa namin si Jade na ang bunganga nun parang machine gun, well, baka inumaga kami ng sermon.
Umuwi ako sa bahay at hindi na nagpakita pa kay Venz. Hindi na kami nagpapansinan sa school. Then nagulat ako isang araw na may kumakatok sa door namin and i was thinking it might be Sasha or collector i don't know kaya pumunta ako sa pintuan at nang buksan ko iyon, isang parang basang sisiw na Venz ang nakita kong nakatayo sa pintuan, may dala dalang bulaklak, chocolates, balloon at stuff toys na may nakasulat doon na 'I'M SORRY' at 'I LOVE YOU BABY'.
Parang tinutusok ang puso ko ng makita siya sa ganung ayos na parang walang ligo at kain. Kaya ayun, pinapasok ko siya, at pinaghanda ng makakain. Itong leche na puso na ito pagdating sa kanya hindi alam ang salitang NO. Nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi at ayun pati ako sobrang natuwa. Sinusubuan pa niya ako. Then nag movie marathon kami. The Notebook, Dear John, A walk to remember, at Nothing Hill. Dahil gabi na kaya doon ko na siya pinatulog. Nagsimula kaming maghalikan, at naglakad paakyat sa taas habang paisa isa niyang inaalis ang mga kasuotan namin. Sa sobrang saraappp napatigil kami sa stairs at doon pinagsaluhan namin ang mainit na halikan yung walang kaputol putol. Yung never niya pinadama sa akin noon, pinadama niya sa akin ng gabing iyon. Then pinagpatuloy namin ang lahat sa loob ng silid. At doon pinagsaluhan namin ang pagsanib ng aming mga hubad na katawan.
Ilang linggo kaming ganun. Akala ko forever na. Nagplano pa kami ng cruise para sa aming one year anniversary. Isang gabing magkasama kami at katatapos lang namin magparaos na naman.
"Saan mo ba gusto pumunta?" Tanong niya sa akin habang nakayakap siya Sa likod ko. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan.
"What about singapore babe?"
"Well, Singapore then. Sige ako na ang bahala sa lahat. Bayad ko Sa lahat ng monthsary na hindi ko naibigay sayo."
"Really?? Yes baby!! Thank you baby! You're the best girlfriend ever!"
Kaya pinagbiyan ko ang kaniyang kahilingan na paligayahin siya and so I did. Ginawa ko ang lahat lahat mapasaya ko lang siya. Yung manatili lang siya sa piling ko. Ganun siya kahalaga sa buhay ko. Kaya lahat ng naisin niya hanggat kaya ko, ibibigay ko sa kanya.
Lumipas ang ilang pang linggo may mga time na nagkatampuhan kami at may time na bumabawi sa isa't isa. Minsan umuuwi siya sa bahay at minsan ako ang pumupunta sa kanila. At sa school ako ang kanyang girlfriend at alam ng lahat yun. Hindi na ako gaano pinapansin ng tropa dahil sa pakikipag balikan ko kay Venz. Naeexcite na ako sa aming trip. Pero ito na naman at mag isa na naman ako dahil may out of town daw si Venz kasama ng kaniyang family. Hindi na ako nagtanong pa. All I could do is wait for her hanggang sa bumalik siya. Then one night, tumunog ang phone ko and it was Venz. Gusto niyang magkita kami pagbalik niya ng Manila kaya nag set ako ng place kung saan pwede at what time. Naeexcite na ako. Gusto ko na siyang makita, mayakap at mahagkan. Ganun ako kabaliw sa kanya.
I went straight to my room and check on what to wear for that meet-up. Gusto ko maging maganda sa kanyang paningin. Kaya pinili ko ang black above the knee dress at pinarisan ng red stiletto. Then went to bed early that night.
Kinabukasan, Maaga akong nagising, naglinis muna ako ng place ko. Maging ang kwarto nilinis ko din. Nagpalit ng beddings. Alam mo na baka dito matutulog Si Babe. After ko masigurong okay na lahat, hinanda ko naman ang sarili ko. Then I checked the clock, it's about time to go, baka kasi malelate ako sa tagpuan namin. So ayun, i drove as fast as i can on the posted speed limit. Mahirap na mahuli at lalong madedehado. Kaya kahit halos liparin ko na ang tagpuan dahil miss na miss ko na ang babe ko na diko nakita ng ilang days, pinilit kong maging kalmante. Pagdating ko sa lugar, agad akong lumabas ng sasakyan matapos ko itong maipark. Pumasok ako sa loob and nagpalinga linga baka kasi maaga siya.
Pumunta ako sa harapan at bumili ng maiinom. Fruit smoothie to be exact. Magkikita kami ngayon ng girlfriend kong si Venz. Hindi ko alam kong anong pag uusapan namin pero naeexcite ako at the same time kinakabahan. Venz has been my girlfriend for almost a year now and I don't see any reason to be scared. Katunayan we are going to celebrate our one year anniversary on a cruise in two weeks. Isn't that exciting??? Ang usapan namin alas tres ng hapon pero dahil ayaw niya ng nalalate ito 2pm pa lang andito na ako. I just ordered a cold drink para hindi naman kahiya hiya na tatambay ako di ba.
Matapos ko ang aking inumin ng isang oras dumating din siya. Wala akong makitang any emotions in her face. I was about to kiss her cheek but I was a bit surprised when she moved it away.
"Have a seat...What drink would you like to have Babe? I'll get it for you." I tried making the atmosphere a bit more lively though feeling ko parang nasa lamay ka na hindi kailangang ngumiti.
"I'm okay Lori. Just sit down and so we can start talking." walang ka emosyon niyang wika.
"Tu-tungkol saan ang pag uusapan natin?" nagsimula nang bumilis ang t***k ng puso ko. Ramdam ko nang may something isn't good to happen this afternoon.
"Hindi na ako magpaligoy ligoy pa. We're DONE! Everything about us is OVER..."
Para akong binuhusan ng pinakamalamig na tubig na punong puno ng yelo sa aking katawan. Maging ang aking lalamunan parang may isang bagay na bigla na lamang bumalakid. Nanlamig ang buong kalamnan ko. Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niyang done?
"V-Venz wh-what do you mean about we're done? Are you breaking up with me pero ba-bakit? Hindi ka na ba masaya? Akala ko ba mahal mo ako dahil yun ang sabi mo sa akin parati."Nakita ko siyang tumawa ng nakakaloko. Then she smirked. Naramdaman ko na ang pag init ng aking mga mata, hudyat na babagsak na ang mga luhang pilit ko pinipigilan.
"Naniwala ka naman?? Stupid mo! I'm done with you. Nagsawa na ako sayo Lori. Maganda ka, may kaakit akit na katawan Kaya kita pinaibig at niligawan para lang maikama ka at matikman. Yun lang yun Lori. Well nakuha ko na ang lahat ano pa ang kaya mong ibigay sa akin di ba wala na. Nadala lang ako sa udyok ng mga kaibigan ko. Kung baga isa ka sa mga laruan ko."Napatulala ako sa kanya. I was speechless.
"I gave you everything Venice. Even my soul." tumulo na ang luha ko sa sobrang sakit ng mga salitang halos hindi ko kayang lunukin.Umayos siya ng upo saka tumingin ulit sa akin.
"Kaya nga... Kaya tayo nagtagal kasi masyado ka pang pakipot at ang tagal mo bumigay. Since nakuha ko na kaya nagsawa na ako sayo. Actually wala akong balak magtagal sa relasyon natin Lori. Kaso ang sarap mo sa kama. Ang sarap mo magpaligaya pero sometimes hindi mo na nagagawa yung mga hilig ko. Pinagtyagaan na lang kita kaya umabot tayo ng almost a year. Lahat ng girlfriend ko sandali lang lahat. Ikaw lang ang nagtagal. Anyway, break na tayo. Salamat sa masarap na s*x Lori nag enjoy ako."
Matapos niya banggitin ang salitang yun, hindi ko alam kong saan ako kumuha ng lakas ko upang bigyan siya ng isang napakalakas na sampal. Saka naman ako natauhan sa aking nagawa. Nakita kong bumakat sa kanyang pisngi ang palad ko. Ramdam ko ang init at sakit sa aking mga kamay.
"Oh my god baby! Babyyy I'm so sorry please... I didn't mean to do it. Baby just say sorry and I'll forget what you have told me and maybe... maybe we can start all over again. Venz kakalimutan ko ang lahat ng sinabi mo huwag ka lang umalis...Huhuhu" pagmamakaawa ko sa kanya.
"Don't you get it Lori, I said I'm done... Break na tayo! So stop trying kasi ayoko na sayo. Pwede huwag kang gumawa ng eksina dahil nakakahiya ka." she gritted her teeth. " And besides I already found your replacement and she's better than you, the best when it comes to s*x. She's wilder than you and she knew how to make me wild in bed too. Goodbye You dirty little slut!"
"Venz! Venz! Noo! Noo!!" I'm hugging her from behind. I don't care if pagtitinginan Kami ng tao."Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang minahal ko ng sobra sobra, ng higit pa sa buhay ko Venz please don't do this!! Nagmamakaawa ako sayo Venz! Huhuhu. Hindi ko kakayananin ang mawala ka.."basang basa na ng luha ang mga pisngi ko sa kakaiyak. Sobrang kaybigat. Hindi ko kakayanin na mawala siya sa buhay ko...
Inalis niya ang mga kamay Kong nakapulupot Sa kanyang katawan at nagsimulang naglakad papalabas ng nasabing establishment. Naiwan akong durog durog at luhaan. Hindi ko alam Kong paano harapin ang bukas na hindi ko na siya kasama. May lumapit sa akin na mga ibang customer and they tried to comfort me. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa pag iyak basta next thing I know nilulunod ko ang sarili ko sa alak sa loob ng bar. Hindi ko maalala paano ko narating ang lugar na yun. Basta grabe yung kalasingan ko na wala akong maalala.
END OF FLASHBACK
Napapayukong nagpupunas ng kanyang mga luha si Lori matapos niyang ikwento ang nangyari sa kanyang nakaraan. She got up at bumuga ng hangin. Panay ang singhot niya kaya gustong batukan ni Hellie ang sarili dahil sa kagustuhan nitong malaman ang nakaraan ng dalaga.
"Parang kilan lang nangyari ang lahat ng yun. Sariwang sariwa pa din sa diwa ko ang lahat. Imagine 10years na pala pero ito ako parang tanga na panay iyak sa tuwing maalala ko yun." Sambit ni Lori habang nagpupunas ng kanyang mga luha. "Ngayon alam mo nang lesbian ako?"
"Hey sorry ha, I shouldn't ask you to tell me about your lovelife. Tsk! Ayan tuloy iyak ka ng iyak. At saka ano ngayon kung lesbian ka?" Nakangiwing turan ni Hellie. Saka hinimas himas ang likuran ng dalaga.
"Baka mandiri ka ganern. Hehehe.. Tsaka, tapos na akong umiyak, di mo na maibabalik yung mga luha ko. haha!"
"Hindi no ano ka ba. Don't worry, treat kita ng lunch sa Monday. Bayad ko sa pag papaiyak ko sayo." Nakangiting Sambit nito. "Kahit one week pa kitang ilibre okay Lang." Dagdag pa niya.Napasulyap naman si Lori sa kanya.
"So, one week mo akong idedate?"biro ni Lori.
"Why not...single tayo pareho...Wala naman sigurong magagalit kung date kita ng one week di ba? Basta ba maliit lang budget mo sa pagkain ha."sagot naman ni Hellie na ikinangiti ni Lori.
"Bahala ka! Kakain ako ng madami.. Hahaha!!At saka wala naman po. Still searching actually. And hey, make sure you don't fall for me."
Napalunok si Hellie and says...
"N-Never...Promise..." Saka ngumiti ng mapakla sa dalaga.