Alas kwatro na ng hapon. Wala pa ring Hellie na nagpapakita para sa kanilang meeting. Halos mahilo ang gold fish sa loob ng water tank nito sa kanyang office dahil sa pabalik balik na paglalakad ni Lorraine. Ilang beses na siyang napapatingin sa kanyang relos. Nagtext na rin si SASHA sa kanya na sa airport na lang sila magkikita. Kaya aburidong aburido na ito dahil wala pa rin ang babaeng nangakong babalik para sa kanilang meeting. Riiinggggggg! Riiinnnggggg! "Hello Sasha! Asan na kayo?" "Papunta na sa airport kasi baka matraffic mamaya kaya okay lang na doon na kami tatambay...E ikaw nakaalis ka na sa office?" "Leche! Anong nakaalis eh sabi nung bato hintayin daw siya..." "Bato? Bakit may mga kasamahan ka ba diyang involved sa mga drugs drugs na iyan?" "Aisshh, hindi yung p

