VENZ Habang nag eenjoy ako sa pakikipag jamming, hindi ko inaalis ang mga paningin ko sa kanya. At that moment, never na pumasok sa utak ko si Melissa dahil naging busy ito sa iisang tao lamang. I had this goal kasi na makapag usap kami ng masinsinan bago ako umuwi ng Pilipinas at ayusin ang buhay ko kasama ng taong hindi ko alam kung magawa kong mahalin sa kabila ng katotohanang hindi siya ang hinahanap ko kundi napagkamalan ko lang siya. Nakita kong nagtatawanan ang grupo nina Lorraine at saka yung kasama niyang kanina pa yakap ng yakap sa kanya biglang tumayo at pumunta sa isang vendor stand. Pero ang mas ikinagulat ko ng makita ko ang kasama niya sa tabi ko at nakipag jamming sa akin. I saw how Lorraine rolled her eyes. Gusto kong matawa sa ka supladahan niya.

