Bawat araw, sinasabi ko kay Sasha at Venz ang mga kaganapan na maging sa parents ko di na ako naglihim pa. Kaya ang ginawa ng mga magulang ko, dito na tumira sa akin para may kasama ako. Hanggang sa dumating ang pang apat na buwan na ikinataka ko kung bakit wala man lang paramdam sa akin si Hellie. Dati may email pa siya sa akin. Pero ngayon wala na. Nakaramdam ako ng kalungkutan dahil alam ko nakalimutan na niya ako kasabay ng pagbalik ng kanyang alaala at si Patricia na nga ang laman ng kanyang puso at isipan. Pinilit kong tinanggap sa sarili ko na wala na nga talagang pag asa na maalala niya ako at para magkaron na ako ng pagkakataong makapag simulang muli, so I told myself that sun will shine one day at mapaklang napangiti. Isang tanghali, kagagaling ko lang sa meeting sa la

