Hinihingal ako dahil sa message na natanggap ko sa phone ko. Kailangan daw namin magmadali dahil meron kaming hahabuling next flight papuntang Palawan. Napakunot naman ako ng noo. Yun bang kalalapag niyo pa lamang eh agad na makatanggap ka ng ganung message at paano ako nagkaron ng next flight? Ugh! Nasaan na ba si Sasha para malaman ko kung anong nangyayari. Hindi kaya may nangyari kay Hellie? Baka si Venz. Nakauwi lang ako ng Pilipinas hindi man lang nagparamdam sa akin ang walanghiya. "Ma, mauna na po kayo sa may claim area at tatawagan ko lang si Sasha."sabi ko kay mommy. I was dialing Sasha's phone number ng may makita akong petals na nasa floor. Mga ilang segundo akong napatingin sa paanan ko at nagpalinga linga baka kung nagkalat lang ang mga ito sa floors. Wala naman a

