Pinaharurot ni Venz ang motorcycle na parang nakikipag karera kaya napakapit ng mahigpit sa kanyang bewang si Lorraine. At para mas may thrill nagpalipat lipat ito ng lane na akala mo may hinahabol na snatcher. Nakikipag gitgitan pa sa mga ibang sasakyan at maging sa mga buses. Dala ng takot,napapikit na lamang si Lorraine at sinandal ang ulo sa likuran ni Venz at kapit tuko sa dalaga. Tatawa tawa naman si Sasha habang pinagmamasdan ang dalawa mula sa kanyang kinaroroonan. "Hay naku, sa totoo lang bagay kayo. Nagawa ka mang saktan ni Venz noon pero ngayon ang nakikita ko ay ang bagong Venz na magpapasaya sayo. Pero of course my dear ikaw pa rin ang masusunod." Kausap niya ang sarili. "Hehehe. Ang cute nila." Nang walang ano ano... Rinnggg! Rinnnggg! Ringggg! Nilagay niya sa

