"Naku Venz bakit hindi ka tumawag sa daddy mo na darating ka pala?" Turan ng ina ni Lorraine. Parehong nasa dining table na sila at nasa mukha ni Venz ang kapaguran sa byahe. "Nah. Just want to surprise him tita. I'm sure hindi naman ako namiss ng mga iyon.."nasa boses ang hinanakit sa ama. Napasulyap sa kanya ang dalagang si Lorraine. "Wow, sarap naman ng sinigang at adobo. Thank you po tita, you're the best." "Naku, kumain ka na nga lang at nambola ka pa..." "Ganyan siya ma, magaling mambola..."hirit ni Lorraine na inirapan ni Venz. Hindi pa nangalahati ang kinakain ni Lorraine ng tumunog ang cellphone nito. She got up and answered the call... "Hello Kelsey baby...zup?" Napaangat ng mukha si Venz at sinundan ng tingin ang papalayong dalaga. Natigil lang siya sa kakatanaw kay

