Hindi ko alam kung anong nangyari. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip kung may pagkukulang ba ako o may nagawa na pagkakamali na hindi ko napansin. Simula nang bumalik siya galing sa kanyang family visit, parang may nag iba. "Is there someone else?" Bago pa sumakit lalo ang ulo ko, tinawagan ko muna si Sasha. Magpapasama ako sa kanya para dalawin si Jade baka magtampo na ang isang iyon. O baka naman na bored at nasa inuman na. Ringgggg Rinnngggg Riingggggg "Hellooo..." "Wow ha nakalimot ka na agad?"natatawa kong turan sa kanya. "OH MY GASSSSS!!! LORRRAAIIINNEEE BABBBBEEE!" Nailayo ko tuloy yung phone sa ear ko kasi para yatang nabasag ang eardrum ko sa kanyang sigaw. "Sasha grabe ka ah. Makasigaw ka akala mo eh..." "Namiss lang kita girl...Ang tagal mo nag disappear kasi. And

