“Naalala mo pa ‘to, ‘di ba?” pag-aalok ni Zinc ng kape. “Oo…” Umalis si Zinc at pagbalik ay may dala nang damit pambabae, t-shirt at shorts. Si Luna… Halos humaba ang leeg ni Dayana sa buong condo upang hanapin si Luna ngunit wala itong anumang bakas na makikita. “Ah, Zinc,” dahil walang pagkain ay nagpasya ang lalaki na magluto at hindi naman na ito bago kay Dayana, “aalis na ako dahil… nakakahiya kay Luna…” Ngumisi lang si Zinc sa narinig. Habang nagluluto ito ay nabiyayaan si Dayana ng panahon upang pagmasdan ang naging pagbabago sa bahay ng lalaki. Ito ang naging tahanan niya ng ilang buwan. Napakaraming mga alaala ang naiwan niya rito at hanggang sa puntong ito ay hindi siya makapaniwalang nagbalik siya sa parehong lugar kung saan niya iniwan si Zinc. “Pancake, Fate, I’m sure

