Sa byahe pa lang pauwi ay wala na akong kibo at halos hindi ko nililingon si Liam dahil sobrang hiyang-hiya ako sa mga pinagsasabi ko kanina. Oo nga at alam naman n’ya na acting lang ‘yon pero kahit na acting lang ‘yon ay masyadong hindi kaaya-aya ang mga pinagsasabi ko sa kanya! Mas nahihiya pa ako sa kanya kesa kay Mitz na naging dahilan kung bakit kinakailangan naming umarte. Kahit na sina Gelo lang at Sven ang sinabihan ni Liam na naging kami ay hindi pa rin pwede na makita kami ni Mitz sa isang alanganing sitwasyon dahil hindi malabong mabanggit n’ya iyon kay Gelo. Iyon nga lang ay parang sumobra yata ang ginawa kong pag-arte at ang masama pa ay kung anu-ano ang mga pinagsasabi ko kay Liam. Make me pregnant tonight? Gusto ko na lang na ipukpok ang ulo ko sa salamin ng BMW n’ya ngayo

