Long and Juicy (Prologue)

2152 Words
“Engineer Liam Acosta?” Kunwari ay gulat na gulat na bati ni Siobeh sa lalaking kanina n’ya pa sinusundan ng tingin sa Tennis Club na iyon na pag-aari ng pamilya ng bestfriend n’yang si Fritz. Ilang araw na n’yang sinusundan ang lalaki matapos n’yang ma-love at first sight yata dito. Unang kita n’ya pa lang kay Liam ay hindi na ito nawala sa isip n’ya. At nararamdaman n’yang ito na ang sagot at magpapatigil sa halos isang taon na n’yang tinatakasang problema- ang pag-aasawa ng labag sa kalooban n’ya. Wala naman sanang problema ‘yon sa kanya dahil kayang-kaya n’yang isabotahe ang lahat ng blind dates na sineset up sa kanya ng ama. But her Dad was becoming more persistent these days to marry her off! At wala s’yang balak luminya sa mga kapatid n’yang pare-parehong naging failed ang marriage dahil sa lintik na fixed marriage na ‘yan! Mula noon ay ipinangako na n’ya sa sariling hinding hindi s’ya papayag na magpakasal sa lalaking hindi n’ya naman mahal. At magagawa lang n’ya ‘yon kung mayroon s’yang lalaking ihaharap sa Daddy n’ya. Pero paano nga naman s’yang magkakaroon ng manliligaw kung halos lahat ng mga lalaking nagkakainteres sa kanya ay pinagbabantaan ng sarili n’yang ama? Her Dad was kinda determined to marry her off to someone who will be beneficial to them and their business. At nito ngang nakaraan ay sinabihan s’ya nito na kung may ihaharap s’ya dito na lalaki ay hinding-hindi na s’ya nito pipiliting magpakasal sa kahit na sinong hindi n’ya naman gusto. Kaya nang makita n’ya si Liam sa isang f******k post na naka-tag ang matalik n’yang kaibigang si Gelo ay agad na inusisa n’ya ito at nagkataon nga na isa si Liam sa mga Senior Engineers sa kumpanya na pag-aari ng pamilya nito. But Gelo said something to her and even warned her about his friend. Liam is not willing to commit to any relationship at the moment because of his recently failed relationship. Dahil doon ay brokenhearted ito at sa ilang beses nga na nakaharap n’ya ito dahil sa trabaho na sinadya rin n’yang asikasuhin ay wala itong ginawa kung hindi ang sumimangot at sungitan s’ya. Kung ano ang ikina-hot ng panlabas na itsura nito ay s’ya namang ikina-lamig ng pakikitungo nito sa kanya o sa kahit na sinong mga babaeng nakapaligid dito! But that doesn’t stop her from wanting him. He needed Liam’s guts and a strong personality to change her Dad’s mind. Kailangan n’ya lang itong mapaamo at makumbinsi sa balak n’ya. And she’s more than willing to take even the greatest degree of desperation just to get Liam on her side. Kahit na ialay n’ya pa ang katawan n’ya ay gagawin n’ya, makuha n’ya lang ang buong atensyon nito. After all, he is still a guy who cannot easily set aside his s*xual desires! Mula sa pagkakangiti nito sa lalaking kaharap ay kitang-kita n’ya ang biglaang pagkapawi ng mga ngiting iyon mula natural na mapupulang mga labi nito nang mapalingon sa tawag n’ya. “See you next weekend, dude! I will surely beat you then!” paalam ng lalaking kausap nito at hindi nakaligtas sa paningin n’ya ang ginawa pa nitong paghagod ng tingin sa kabuuan n’ya bago tuluyang tumalikod. Hahakbang na rin sana si Liam para sumunod dito ng hindi man lang s’ya tinatapunan ulit ng tingin kaya mas binilisan n’ya pa ang paghakbang para tuluyang harangin ito. Sa sobrang pagmamadali n’yang ungusan ito sa paglalakad ay halos sumadsad na s’ya sa matipunong dibdib nito na ngayon ay medyo basa ng pawis ang suot na kulay puting sleeveless tennis shirt na may minimal print ng isang mamahaling brand. Agad na napatigil ito sa paglalakad at iritadong pumikit ng mariin matapos umatras ng ilang beses para magkaroon sila nito ng sapat na distansya. “So, you are also a member of this club, huh? What a coincidence!” Kunwari ay manghang-mangha na bulalas n’ya. Lahat na yata ng klase ng pasimpleng pagpapapansin ay ginawa na n’ya pero hindi pa rin n’ya makuha-kuha ang atensyon nito. Ang akala n’ya noong nakaraan ay makukuha na n’ya ang atensyon nito kung nanakawan n’ya ito ng halik pero mas lalo lang itong naging masungit at nawalan ng amor sa kanya. He wasn’t even answering her calls and turning down all her proposals just to get a chance to work with him and get into his side. “I don’t believe in coincidence most especially when you are the one who’s involved, Architect Pareñas,” mariin at mukhang pinipigilan ang namumuong iritasyon na pambabara nito sa kanya. Nakakalokong tumawa s’ya at nagtangkang lumapit dito habang ipinapakita dito ang loyalty membership card na sadya n’yang hiningi kay Fritz dahil pinaghandaan na n’ya ang pangyayaring ‘yon sa pagitan nila. Paniguradong hindi maniniwala si Liam na dati na s’yang member ng club at aksidente n’ya itong makikita doon. Kaya para naman mas kapanipaniwala at kahit papaano ay maisalba n’ya ang pride n’ya, she needed her connections to make that possible. Kumunot ang noo ni Liam nang mapatingin sa card na hawak n’ya. “Siguro naman alam mo kung sinu-sino lang ang may access sa card na ito?” nakangisi at nakataas ang kilay na pagmamalaki n’ya. Naglapat ang mga labi nito at nanatili pa rin ang supladong mga mata sa kanya na parang isang katawa-tawa ang pagpapakita n’ya ng card na ‘yon. “And so? Anyone could have an access to that card most especially when there’s a money involved,” sarkastikong sabi nito at nagsimula na ulit na humakbang palayo sa kanya pero wala s’yang balak na magpatalo dito. Binilisan n’ya ang paghabol dito at halos doblehin na n’ya ang bilis ng pagtakbo n’ya para lang mahabol ito. Gosh! He’s so fast! Sa tangkad nitong halos lampas anim na talampakan ay malabong maabutan n’ya ito lalo na kung tatakbo pa ito! “I am not giving up on you! Kahit sa pagtulog mo ay dadalawin kita kung kinakailangan para lang pumayag ka sa gusto ko!” halos pasigaw na n’yang pagkausap dito dahil hindi talaga n’ya ito kayang abutan sa sobrang bilis ng lakad nito. “Back the hell off. You are just wasting your damn time,” mariing sabi nito na hindi man lang s’ya nililingon habang patuloy sa paglalakad ng mabilis. Hingal na hingal na s’ya at tumatagaktak na ang pawis dahil sa kakahabol na ginagawa dito sa gitna ng mainit na tennis court. Hingal na hingal na s’ya at literal na habol na n’ya ang hininga nang sa wakas ay makarating sa lobby ng club. “I told you, I’m not backing off-” Napatigil s’ya sa pagsasalita nang makita ang likod ni Liam na ilang dipa lang ang pagitan sa harapan n’ya. Hahakbang na sana s’ya palapit dito nang mapagtanto n’yang hindi ito nag-iisa doon. May babaeng halos kasing tangkad lang n’ya ang nakatayo sa harapan nito. “How have you been?” narinig n’yang tanong ng babae sa harapan nito. “Are you alone here?” muli pang tanong nito nang hindi makakuha ng sagot kay Liam. Kitang-kita n’ya ang parang maiiyak na mga mata ng babae nang magsimulang humakbang si Liam nang hindi nito sinasagot ang mga tanong nito. “Liam, wait…” sabi nito sabay pigil sa braso ni Liam. “Move,” narinig n’yang malamig na utos nito sa babae. “Liam, I’m sorry-” “I said, move…” muling utos nito na mayroon ng diin ang pagkakasabi. “Liam, please-” “Move fvcking away from me!” malakas at halos pasigaw nang utos nito sabay bawi ng braso nito sa pagkakahawak ng babae. Kahit s’ya ay napasinghap sa nakikitang sakit sa mga mata ng babae habang tinitingala ito at sa kakaibang galit na naririnig sa boses ni Liam. Huminga s’ya ng malalim at agad na hinanda ang sarili. Hindi naman s’ya manhid para hindi tuluyang maintindihan ang sitwasyon. That girl was probably his ex-girlfriend who broke his heart and he accidentally bumped into her in this very unusual situation! Mabilis ang kilos na inayos n’ya ang sarili at hindi na nag-isip pa at agad na kinuha ang atensyon ng mga ito. “Baby!” malakas na tawag n’ya kaya napatingin kaagad ang babae sa kanya. Nakangiti at taas noo s’yang lumakad palapit sa mga ito at nang makalapit ay agad na kumapit sa braso ni Liam. Kitang-kita n’ya ang lalong pagsasalubong ng malalagong kilay nito dahil sa ginawa n’ya. Sa totoo lang ay masyado itong intimidating kahit na hindi pa man bumubuka ang bibig nito para magsalita. His presence itself already screams arrogance. Tingin pa lang nito ay panginginigan na ng tuhod ang kahit na sinong kabaro n’ya dahil sa kakaibang lakas ng dating nito. Pero imbes na masindak sa nakikitang apoy ng galit at iritasyon sa mga mata nito, ngumiti s’ya ng maluwang at lalo pang idinikit ang katawan sa braso nito. “Who are you?” Automatic na nawala ang ngisi n’ya nang marinig n’yang nagsalita ang babaeng kaharap nito. Agad n’ya itong hinarap at confident at taas noong nagpakilala dito. “Oh! I’m sorry for not properly introducing myself,” kunwari ay apologetic na sabi n’ya pa dito. “By the way, I’m Architect Siobeh Pareñas. I’m Liam’s girlfriend,” nakangiting pakilala n’ya at agad na naglahad ng kamay dito. Imbes na tanggapin nito ang kamay n’ya ay kumunot ang noo nito at nagtatanong ang mga matang binalingan si Liam. “G-girlfriend? You already have a girlfriend?” parang hindi pa makapaniwalang tanong nito. Agad na tiningala din n’ya si Liam at sinubukang kausapin gamit ang mga mata. “No,” maigting na sagot ni Liam kaya agad na namilog ang mga mata n’ya lalo na nang mapatingin s’ya sa babaeng kaharap nito at bumakas ang nakakainsultong tingin nito sa kanya. But hey! She didn’t come this far just to get humiliated in front of Liam and his darn ex! Mapahiya na ang mapapahiya pero sisiguraduhin n’yang hindi s’ya iyon! “Oh my gosh! My bad!” kunwari ay gulat na gulat at apologetic na bulalas n’ya. Kung artista lang s’ya ay baka hindi lang best actress award ang makuha n’ya para sa araw na ‘yon. “I’m sorry, baby. Hindi mo na nga pala ako girlfriend ngayon. You just proposed to me last night and I am not yet used to that,” kagat labi at halos ibaon na n’ya ang buong mukha sa dibdib ni Liam para magmukhang madamdamin ang sinabi n’ya! Agad na hinarap n’yang muli ang babae na namimilog ang mga mata habang nakatingin sa kanya. Ngumiti s’ya ng maluwang bago muling inilahad ang kamay n’ya dito. “Hindi na pala n’ya ako girlfriend ‘coz I am already his fiancée,” sabi n’ya at itinaas ang kaliwang kamay at sadyang ibinalandra sa mukha nito ang diamond ring na kakabili n’ya lang para sa sarili n’yang achievement dahil nakasurvive s’ya ng isang taon na hindi pa rin s’ya napipilit na ipakasal sa hindi n’ya gusto. Nakita n’ya ang gulat sa mga mata ng babae pero dahil hindi pa rin s’ya kumbinsidong napaniwala n’ya ito sa mga sinabi n’ya, agad na inilabas na n’ya ang pinakahuli n’yang alas na tiyak na magpapanalo sa kanya sa sitwasyon na ‘yon. Ibinaba n’ya ang kaliwang kamay at automatic na sumalo ‘yon sa bibig n’ya sabay arte na parang naduduwal. “Oh! I’m really sorry about that,” sabi n’ya nang makita ang labis labis na pagtataka sa mukha ng babaeng kaharap. “I am feeling so dizzy these days and I am randomly throwing up too. I wonder what’s happening to me?” tuloy-tuloy na sabi n’ya at muling isiniksik ang mukha sa dibdib ni Liam. Nang pasimpleng tingalain n’ya ito ay hindi n’ya na ulit pinansin ang nakikitang iritasyon sa mga mata nito dahil wala naman itong sinasabi kaya ipinagpatuloy na lang n’ya ang ginagawang pag-arte sa harapan ng ex-girlfriend nito. “I think I am craving something long and juicy,” sabi n’ya pa habang tinitingala si Liam. “What do you think it is, baby? Hmm? May naiisip ka bang something long and juicy na pwede kong kainin ngayon?” painosenteng tanong n’ya pa dito kaya kitang-kita n’ya ang pag-angat ng kilay nito sa kanya. Ngumisi s’ya at agad na pinaghahampas ng marahan ang dibdib nito na parang kilig na kilig. “Ano ba, baby? I’m talking about the food and not your… ehh! You are so naughty talaga!” todo pa-cute na sabi n’ya habang pilit na isinisiksik ang katawan sa katawan ni Liam. Laking gulat n’ya nang maramdaman ang pag-angat ng braso nito sa bewang n’ya kaya napasinghap pa s’ya nang mag-angat ng tingin dito. “Let’s go to my place,” narinig n’yang yaya nito. “I know something that is long and juicy that will surely satisfy your cravings.” Mariing sambit pa nito bago s’ya inakbayan at hinila na palayo doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD