It’s been a week since Liam and I decided to hide our relationship. Isang linggo na rin akong walang balita sa kanya pagkatapos n’yang sabihin na may business trip s’ya sa US. Huling kita at usap namin ay noong weekly meeting sa LEF at sobrang bilis lang naming nag-usap dahil bukod sa hindi s’ya iniiwanan nina Gelo at Sven ay panay din ang dikit sa akin ni Jen noong nasa meeting kami kaya wala kaming nagawa ni Liam kundi ang magtitigan at pakiramdaman ang isa’t-isa! Office romance is never easy huh?! Napatitig ako sa phone ko at saka inis na ibinalik ulit sa table. Ako ang mismong nagsabi sa kanya na ‘wag kaming magtawagan at magtextsan para mapaniwala ko si Daddy na wala na kami at ‘wag na n’ya akong pasundan sa mga tauhan n’ya. Ngayon ko lang na-realized na ang hirap pala na walang com

