Nakita ko kung paano namutla si Axel “What!? What happened to Mom!?” Halos pasigaw niyang sabi. Lumayo pa ako dahil hinawakan ni Axel ang doorknob at mas inawang pa ng husto ang pinto. Ako naman nanginginig habang nakatayo. Kumirot ang dibdib ko dahil sa mga salitang sinabi ko kanina. Alam kong gagaling si Mommy Elvira... May oras pa. Nang nakaraang tinanong ko si Mom Elvira tungkol sa kalagayan nito ay tikom lang ang bibig nito. Pero alam kong nagpapagaling naman ito at ilang beses na umalis para magtungo sa doctor. Nag-offer pa nga ako na sasamahan ko ito pero tinanggihan ako. Hanggang sa namalayan ko na rin na nagtatakbo palabas ng kwarto si Axel at iniwan akong mag-isa. Napahawak ako sa dibdib ko na ang lakas ng kalabog. Bumalik tuloy sa alaala ko ang Nanay ko nang mga panahon n

