Hera Isabella Diamante “Ahh… M-miguel, a-anong ginagawa mo dito?” Nanginginig ang kalamnan na sabi ko. Isang hakbang paatras pa ang ginawa ko. Mas napahigpit ang kapit ko sa mug kahit mainit pa ‘yon. Hanggang sa makalapit na ng ilang hakbang sa akin si Miguel. Habang humahakbang ito ay nakatutok naman sa akin ang baril na hawak nito. Doon ko lang nakita ang itsura nito habang mas napapalapit sa akin. Mas natakot ako dito. Kakaibang ngisi ang pinapakita nito sa akin. “B-bakit ka may baril?” Tanong ko pa rin. “Ang malas mo naman at nahuli mo ako. Katapusan mo na ngayong gabi, Hera baby.” ‘Yon ang sinagot nito sa akin. Nanlaki ang mata ko sa narinig mula kay Miguel. “M-miguel, please….” Usal ko. Mas nadagdagan ang panginginig ko. Papatayin ako ng lalaki. Awtomatikong npati ang mga mat

