Hera Isabella Diamante “Hey! Okay ka lang, hija?” Muling tanong ni Sir Nathaniel kaya naagaw niya ang atensyon ko mula kay Sir Zeus na papalapit na rin sa akin. Pinunasan ko ang pisngi ko na puno ng luha. Nahihiya ako sa itsura ko. Mukha akong pinagsakluban ng langit at lupa. Ang pangit pangit ko na siguro dahil sa tagal kong umiiyak. Nag-iwas ako ng tingin. Yumuko ako. Pero nagulat na lang ako at hinawakan ako sa baba ni Sir Nathaniel. Pinilit niyang ibaling ko ang tingin sa kanya. Nang nagtama ang tingin namin ni Sir Nathaniel ay nakita ko ang awa sa mukha niya. “Hera? Sinong nagpaiyak sa’yo?” Malumanay na tanong ni Sir Nathaniel. “Sir… Wala po…” sambit ko. “Nathan!” Malakas ang boses na singit ni Sir Zeus na hinawakan ang kamay ni Sir Nathaniel para maalis ang pagkakahawak sa ba

