Hera Isabella Diamante “Hera, buksan mo ang pinto… Kailangan mong kumain.” Narinig ko matapos ang mahihinang katok sa pinto. Boses ‘yon ni Nanay Choleng. Naka-lock ang pinto dahil ayokong pasukin ako dito ni Nanay sa kwarto at baka saktan na naman ako nito kagaya ng ginawa sa akin kanina doon sa kusina. Tinatamad akong tumayo para buksan ang pinto pero ayaw kong paghintayin pa si Nanay Choleng sa labas. Hindi rin naman ito pupunta dito kung nasa tabi-tabi lang si Nanay dahil siguradong hindi nito hahayaan na masaktan ako. Matapos ang gulo kanina sa kusina at doon sa may entrance ng mansion ay tumungo na ako dito dala ang bag na dinala ni Nanay kung saan naroon ang mga gamit ko. Papalayasin talaga ako nito. Nagkulong na ‘ko dito ng ilang oras. Lagpas na ng dalawang oras matapos ang lu

