Zeus Nicolai Cervantes Nang nasa byahe na kami ay naging tahimik lang ako. Nakatingin lang si Hera sa bintana ng sasakyan habang nagda-drive ako. Until she eventually fell asleep. Nang makarating kami sa restaurant na kakainan namin at pinatay ko ang makina ay doon ko malayang namasdan ang tulog na si Hera. Her face was turned toward me, giving me an unobstructed view. Napakaganda ni Hera. Para siyang anghel na natutulog. I couldn’t resist the urge to kiss Hera. Sigurado akong wala siyang lipstick na nilagay sa labi, yet her lips were naturally rosy. Mas lalo akong nagnanais na halikan ‘yon Hindi ko na tiniis pa ang sarili ko. Tinanggal ko ang seatbelt ko at dumukwang. Hinawakan ko ang pisngi niya pero bigla siyang nagising. D*mn it! Bigla akong nawalan ng lakas ng loob dahil kay Her

