Anna Pumasok na ako sa kwarto matapos ang dinner. Si Axel ay nag-stay pa sa ibaba. Hindi ko alam kung saan ito nagpunta. Sina Lolo Emilio at ‘yung Kyle ay malamang na magkausap ngayon. Hindi pa rin ako maka-move on sa sinabi ni Axel kay Mommy Elvira. Ginugulo na nito ang isip ko. Alam ko sa sarili ko na may something din kay Axel. Hindi naman ako manhid. Nakikita ko sa titig nito. Hindi ko rin maramdaman na masungit ito. Nagsusungit-sungitan lang talaga. Ilang araw pa lang kami mag-asawa ni Axel ay ganito na ang nararamdaman ko. ‘Yung feelings ko na matagal nang nakatago ay naungkat na naman. At ngayon, inaamin ko na gusto kong maranasan kung paano kaya kung totoo na lang itong pamilya na lang ‘to na totoong mag-asawa na lang ang turingan namin. Parang kanina lang. Sobrang kilig ko na s

