Anna Madrigal “Mama, excited na po akong makita si Papa!” Napalingon ako sa anak kong hawak ko ang kamay habang papalabas ng bahay namin at papunta sa garahe ng kotse ko. Napahinto tuloy ako at doon ako tiningnan ni Aiden nang huminto rin ito. Ibang klase ang kislap sa mata ng bata. Kahit hindi niya sinabi sa akin na excited siya ay hindi maipagkakaila kung gaano ito kasaya na sa wakas ay makikita na nito ang ama. Ngumiti ako kay Aiden. Nilagay ko ang kamay ko sa ulo nito at hinimas ang clean cut na buhok nito. “I’m happy, anak. At sorry rin kung ngayon mo lang makikilala ang Papa mo, ha?” “Okay lang po, mama. Ang importante po ay sa wakas na magkikita na po kami. Wala nang mang-aaway sa akin sa school. Kapag inaway nila ako ay isusumbong ko sila sa papa ko!” Ngayon ay nakikita ko n

