Hera Isabella Diamante “M-may problema ba?” Kinakabahan na tanong ko. Nag-worry ako dahil mukha siyang nagkaroon ng problema. Sana ‘wag naman. Ayokong maging mainit ang ulo niya. “Nothing. It’s about my f*cking stepbrother.” sambit ni Zeus na muling binalik ang cellphone sa bulsa niya. Binaling niya na ang buong atensyon sa akin ay nakita ko kung gaano biglang nagbago ang emosyon niya. Parang galit na galit. Kasing level ng galit na pinapakita niya dati sa akin. Hinawakan ko ang pisngi niya. Sa ginawa ko ay bigla naman na lumambot ang tinign niya. Naging malamlam muli. Nakaramdam ako nang saya na tila napakalma ko siya. Tapos binanggit niya pa ang tungkol sa stepbrother niya. Ibig sabihin ay may pakialam siya sa tanong ko. Hanggang sa hinapit niya ang balakang ko. Bigla ko namang na

