Hera Isabella Claveria “J-joaquin? A-anong ginagawa mo dito!?” Mariing tanong ko. “Sumama ka nang maayos sa akin, Hera. Kung ayaw mong mauna ka pa sa Lolo mo!” Nakuyom ko ang palad nang bigla kong nakitang may hawak palang baril si Joaquin. Tinutok sa akin ni Joaquin ang baril nakatapat sa may dibdib ko pa talaga. Parang umurong ang dila ko sa tindi ng kaba na naramdaman. Kapag sumigaw ako ay baka kalabitin niya ang baril. Isang bala lang ako na dederetso pa sa puso ko ‘yon. Ayoko pang mamatay. Ang liliit pa ng mga anak ko! Parang bibigay ang tuhod ko habang malakas ang tahip ng dibdib. Parang pati paghinga ko ay napigil ko na at tumigil na ang mundo ko. Hindi ko akalain na ganitong kasama si Joaquin. Wala sa hinuha kong tututukan niya ako ng baril. Sa mga salitang sinabi niya tun

